Sun. Oct 6th, 2024
Larawan mula sa Instagram ni Daniel Padilla

NAPATAWAD na kaya ni Kathryn Bernardo ang dating nobyong si Daniel Padilla o nagbabangong-puri lang ang aktor?

Tanong ito ng netizens kasunod nang pagkawala sa Instagram ng aktor ng kanyang breakup message para kay Kathryn noong Nobyembre 30.

Tanging maga larawan na lamang ni Daniel na nakayakap kay Kathryn at ang aktres na may kargang aso ang matutunghayan sa Instagram post ng aktor.

Pero ang breakup message ni Katrhyn ay nananatili sa kanyang social media pages.

Matatandaan magkasunod na nagpaskil sa kanilang social media page sina Kathryn at Daniel ng kompirmasyon ng paghihiwalay nila matapos ang 11-taong relasyon.

Mula tuldukan ang kanilang real-life romance ay dalawang beses nang humarap sa publiko ang dating magkasintahan, sa ABS-CBN Christmas Special noong Lunes at sa Asia Artist Awards 2023 kagabi.  (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *