Sat. Aug 8th, 2026

SINIMULAN ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang operasyon ng On-Line lottery o lotto sa Pilipinas noong 1995 at isinahihimpapawid ang pagbola nito sa state-run People’s Television o PTV-4.

Noong 2024 o makaraan ang tatlong dekada, nagtapos na umano ang kontrata ng PCSO sa PTV-4 kaya nagsagawa raw ng bidding ang PCSO, na pinamumunuan ni General Manager Mel Robles, at naipagkaloob ang bagong kontrata para maiere ang lotto draw sa Intercontinental Broadcasting Corporation o IBC-13 na isang government-owned and controlled corporation.

Malaking bahagi umano na nagtutustos sa operasyon ng PTV-4 ay mula sa kita nito sa kontrata sa PCSO kaya’t medyo umaray ang state-run television network mula mawala sa kanila ito.

Marami ang nagtaka dahil sa kabila ng kapos sa teknikal na kakayahan ang IBC-13 ay nakopo nila ang daan-daang milyong kontrata mula sa PCSO at ang katuwang nila ay isang pribadong media company na Digital 8 Inc. na may kapital lamang na P130,000.

Ang tanong, bakit kailangan alisin sa PTV-4 at ilipat sa IBC-13 na kailangan pa na makipag-koloborasyon sa pribadong kompanya para maisakatuparan ang pangangailangan ng PCSO?

Ang IBC-13 ay isang attached agency ng PCO, ang dating opisyal ng Digital 8 nang masungkit ang kontrata sa PCSO ay si Jay Ruiz , ngayo’y acting Communications secretary.  ITUTULOY

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *