š·: Alliance of Health Workers | FB
NANAWAGAN ang mga manggagawang pangkalusugan kasama ang mga guro at iba pang kawani ng pamahalaan kay Pangulong Ferdinand āBongbongā Marcos Jr. na itampok sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ang kanilang panawagan para sa disenteng sahod, seguridad sa trabaho, at pagtatanggol sa demokratikong karapatan sa gitna ng lumalalang krisis sa kalusugan at ekonomiya.
Ayon kay Edwin Pacheco, kinatawan ng Alliance of Health Workers (AHW)-NCR, nananatiling hungkag ang pangako ng administrasyong Marcos na iangat ang kalagayan ng mga manggagawang pangkalusugan at ng mamamayang Pilipino.
āPatuloy kaming nahihirapan sa mababang sahod, hindi pa nababayarang benepisyo, matinding kakulangan sa tauhan, kontraktwalisasyon, at banta ng tanggalan bunsod ng rightsizing at patuloy na pribatisasyon ng mga serbisyong pangkalusugan,ā pahayag ni Pacheco sa ginanap na press conference.
Binibigyang-diin ng AHW ang pangangailangang ipatupad ang pambansang family living wage na kasalukuyang tinataya sa P1,200 kada araw o P36,000 kada buwan bilang panimulang sahod para sa lahat ng manggagawang pangkalusugan sa pampubliko at pribadong sektor, pati na rin sa mga empleyado ng gobyerno. Panawagan din nila ang P50,000 panimulang sahod para sa mga nurse at allied health professionals.
āHindi kami humihiling ng luho,ang hinihiling namin ay katarungan at sapat na sahod upang makapaglingkod nang may dangal at mamuhay bilang marangal na lingkod-bayan,ā giit ni Pacheco.
Binatikos din ng mga manggagawa ang mababang alokasyon ng gobyerno para sa sektor ng kalusugan, pati na ang sunod-sunod na budget cuts na lalo pang nagpapalala sa bulok na kalagayan ng mga pampublikong ospital.
āKami mismo ang nakakasaksi sa kalunus-lunos na kalagayan ng mga ospital, mahahabang pila para sa konsultasyon, kakulangan sa gamot at pasilidad. Ipinaglalaban namin ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa lahat, sapagkat ang kalusugan ay batayang karapatang pantao,ā ayon kay Ely Sobinsky, presidente ng Lung Center of the Philippines Employees Association-AHW.
Nanawagan din si Sobinsky ng agarang tugon mula sa administrasyon upang matugunan ang matagal nang mga kahilingan ng mga manggagawang pangkalusugan:
– Implementasyon ng family living wage
– Pagbabayad sa lahat ng natitirang benepisyo
– Mass hiring para sa permanenteng plantilla positions
Hiniling rin ng AHW ang awtomatikong alokasyon ng 5% ng Gross Domestic Product (GDP) sa direktang serbisyong pangkalusugan upang matiyak ang libre at de-kalidad na serbisyong medikal para sa lahat.
āKung nais talagang tugunan ng administrasyong ito ang krisis sa kalusugan at kakulangan ng health workers, dapat nitong isakatuparan ang kongkretong hakbangāngayon na.ā (ROSE NOVENARIO)