đˇ: Karapatan | FB
Sa gitna ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng mga Nawawala, nagtipon ang mga pamilya ng mga biktima ng enforced disappearance upang mag-alay ng alaala at magpahayag ng mariing panawagan: panagutin ang mga administrasyong Marcos Jr. at Duterte sa patuloy na pagkawala ng mga aktibista at kritiko ng estado.
Sa isang pinagsamang pahayag ng Desaparecidos at Karapatan, kinondena ng mga grupo ang tuloy-tuloy na paggamit ng enforced disappearance bilang kasangkapan ng panunupil.
âMatagal nang ginagamit ng mga gobyerno ang sapilitang pagkawala upang patahimikin ang paglaban,â anila. âNgayon, hindi lang kami nagluluksaâkamiây naniningil.â
Ibinunyag ng pahayag ang nakagugulat na tala ng mga nawawala, âMore than 1,000 individuals were forcibly disappeared under the Marcos Sr. dictatorship, 821 during the Cory Aquino regime, 39 under Ramos, 26 under Estrada, 206 under Arroyo, nine under Benigno Aquino III, 20 under Duterte and 15 so far under three years of the Marcos Jr. regime.â
Dinukot noong Agosto 2025 sina James Jazmines at Felix Salaveria, dalawang aktibistang hindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon.
Bagamaât pabor sa pamilya ang desisyon kamakailan ng Court of Appeals sa kanilang petisyon para sa writ of amparo, bigo pa rin ang mga awtoridad na ilitaw ang mga biktima o magbigay ng makabuluhang tugon.
Binatikos ng mga grupo ang pagwawalang-bahala ng gobyerno sa Republic Act No. 10353 o Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012.
Labintatlong taon matapos maisabatas, patuloy pa rin ang mga kaso ng pagkawala, habang ang mga pamilya ay nahaharap sa pader ng katahimikan mula sa mga institusyong dapat sanaây tumutugon.
Dagdag pa rito, tumanggi ang gobyerno ng Pilipinas na ratipikahan ang International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearanceâisang hakbang na tinuturing ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao bilang patunay ng kawalang malasakit ng estado sa pandaigdigang pamantayan ng hustisya.
Binanggit din sa pahayag na sa tuwing pumapabor ang hukuman sa mga petisyon ng pamilya, paulit-ulit nitong pinupuna ang kawalan ng âextraordinary diligenceâ ng militar at pulisya sa paghahanap sa mga nawawala. âHindi ito simpleng kapabayaanâitoây pakikipagsabwatan,â giit ng mga grupo.
Kasabay ng paggunita ay ang ika-limang Pambansang Asembleya ng Desaparecidos, kung saan muling pinagtibay ng mga pamilya ang kanilang paninindigan para sa hustisya. âPanagutin ang mga rehimeng Duterte at Marcos Jr. Ang paghahanap sa aming mga mahal sa buhay ay hindi lamang personalâitoây pampulitika,â ayon sa pahayag.
Binigyang-diin ng mga grupo na tanging sa pagkakaisa at pagbuwag sa sistemikong pananahimik makakamit ang katarungan.
âHindi lang namin hinahanap ang katotohanan at pagsasaraânilalabanan namin ang isang lipunang nagpapahintulot sa pagkawala.â (ROSE NOVENARIO)