Nagbabala si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko kaugnay ng umano’y “paawa narrative” na isinusulong nina Sarah at Curlee Discaya, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado sa mga iregularidad sa mga flood control project.
Ayon sa Facebook post ni Mayor Sotto, malinaw na sinusubukan ng mag-asawang Discaya na maging state witness upang makaiwas sa kaso, kahit pa maraming hindi tugma sa kanilang mga pahayag.
Halimbawa, sinabi nilang 2–3% lang ang kinikita nila sa bawat proyekto, at swerte na raw kung umabot ng 5%. Pero sa hiwalay na panayam, ipinagmalaki nilang bilyonaryo na sila, na may “11 digits” na yaman—ibig sabihin, hindi bababa sa ₱10 bilyon.
“Obviously there are congressmen, DPWH officials, and contractors who are guilty. But the Spouses Discaya are clearly angling to become STATE WITNESS. Para di sila makulong. We know they are capable of lying (just go back to their campaign period videos and posts).
Today in the Senate hearing, I noticed many inconsistencies in their statement. Yung pinaka obvious na lang munang halimbawa ng kasinungalingan–
🔴 Sabi ni Mistermind Curlee “2-3% lang” ng contract cost ang kita nila kada project.. “swerte na” daw kung 5%. Sa ibang project lugi pa daw sila (wow).
– Taliwas ito sa statement nila sa isang interview, kung saan sinabi nilang bilyonaryo sila at nasa “11 digits” na daw ang pera nila. Meaning AT LEAST ₱10 BILLION…
– Dahil PAANO KA MAGIGING BILYONARYO NA GANUN SA 2-3% PROFIT?
Presidente na mismo ang nakakita sa ghost project nila. Sinong gagawa ng ganun kalaking krimen para sa 2-3% na kita? Wag tayong magpauto sa mga paawa effect nila… Wala daw silang magawa??
The challenge is now how to sift through the half-truths and attempts to mislead us, not only of the spouses discaya but of everyone involved.
May we be vigilant and discerning.
#FloodControlProjects #DPWH #CorruptionKills”