š·:Pinasinayaan noong Hunyo 9, 2023 ni Senador Christopher Lawrence āBongā Go ang bagong tayong Super Health Center sa Barangay Camalig, City of Meycauayan, Bulacan.
Pumapatay ang korapsyon kaya hindi dapat hayaang patuloy na linlangin ng mga tiwali ang mamamayan at nakawin ang pera ng bayan, ayon sa Health Workers Partylist.
Ang pahayag ng grupo ay matapos mabunyag ang nakababahalang ulat na hindi operational ang hindi bababa sa 300 sa 878 Super Health Centers sa buong bansa.
Sa kabuuang 1,099 Super Health Centers na nakatakdang itayo mula 2021 hanggang 2024, 319 proyekto na nagkakahalaga ng ā±3 bilyon ang hindi pa tapos o hindi magamit.
Anang HWP, ang kapalpakan na ito ay direktang nagkakait sa mamamayan ng serbisyong pangkalusugan at nagsasayang ng bilyon-bilyong pondo ng bayan.
Hindi anila katanggap-tanggap ang paghuhugas-kamay ng Department of Health (DOH) sa isyung ito.
āIsinisisi nila sa mga lokal na pamahalaan ang problema, gayong simula pa noong 2022 ay sila mismo ang humihiling ng bilyon-bilyong pondo mula sa Kongreso para sa konstruksyon, pagkukumpuni, at paglalagay ng kagamitan sa mga Super Health Centers,ā anang HWP sa isang kalatas.
Batay sa datos mula sa General Appropriations Act, ā±15 bilyon ang inilaan para sa Health Facilities Enhancement Program mula 2022 hanggang 2025.
Sa 2026, humihiling muli ang DOH ng ā±2.218 bilyon para sa āBagong Pilipinas Health Centersā at āCompletion/Equipping of Super Health Centers.ā
āHindi maaaring magkunwaring walang alam si Pangulong Marcos Jr. sa mga iregularidad. Siya ang lumalagda sa taunang General Appropriations Act na naglalaman ng pondo para sa mga Super Health Centers, flood control projects, at iba pang kuwestiyonableng imprastruktura,ā wika ng HWP.
āSiya rin ang aktibong nagpo-promote ng mga Super Health Centers at binanggit pa ito bilang tagumpay sa kanyang 2024 State of the Nation Address.ā
Ang libu-libong Super Health Centers na nakatakdang itayo ay lumampas na sa target ng administrasyon na 406 hanggang 2028, batay sa Presidentās Report to the People 2023ā2024.
Nanawagan ang HWP sa mga health worker at sa mamamayan na ipagpatuloy ang laban kontra korapsyon at idagdag ang ating tinig sa lumalawak na protesta ng taumbayan laban sa sistematikong katiwalian.
Matatandaan na ang konsepto ng Super Health Center ay itinaguyod ni Senador Bong Go noong 2021na may layuning maging mas pinahusay na bersyon ng isang rural health unit, na nagbibigay ng malawak na hanay ng mga serbisyo gaya ng laboratoryo, X-ray, ultrasound, at dialysis.
Malasakit āPasakitā Centers
Sa Vlogcaster Armand Dean YouTube channel ng journalist na si Armand Nocum ay ibinunyag niya na nasa āpanic modeā na si Go sa pagtatapos at pagpopondo ng Malasakit Centers na tinagurian niyang Pasakit Centers, sa buong bansa matapos pumutok ang isyu ng alingasngas sa mga proyekto ng DPWH.
Binubuhay aniya ang ghost Pasakit Centers sa buong Pilipinas gaya ng tatlo sa Zamboanga City, sa Brgy. Sangali, Brgy. Manicahan, at Brgy. Talon-talon, na pinondondohan ng P15-M hanggang P18-M bawat isa.
āPinondohan, pinagkakitaan, at nag-opening daw before the elections para pampasikat and then pinabayaan,ā sabi ni Nocum.
āNgayon umiikot siya Ā (Go) kasama na rito sa lugar ko at yung iba, hindi siya ang uma- attend mismo, pero binubuksan ng local officials sa mga lugar at sinabi, āSalamat pinondohan na ni Bong Go,ā wika ni Nocum.
āIbig sabihin kung hindi pa pumutok ang kontrobersiya , remember vinlog ko dati isang councilor ang nagsabi ang nakikita lang sa Brgy. Sangali ay mga kambing lang. Yun ini-nauguarate na ng local officials at abot hanggang langit ang pasasalamat kay Bong Go.ā
āBiglang nagkaroon ng pera, budget. Itās a miracle. Ibig sabihin, all along, mayroon talagang pera, budget. Kung hindi pa pumutok ang isyu ng ghost flood control projects , pinabayaan na lang sana,ā wika ng vlogger-journo. (ROSE NOVENARIO)