Fri. Aug 7th, 2026

Tuliro na raw ang isang pamilyang tagapagtaguyod ng Burukrata Kapitalismo sa sunud-sunod na dagok sa kanilang mga negosyo bunsod ng mga nasiwalat na sangkot daw sila sa mga maanomalyang infrastructure projects at nabuking ang palpak na serbisyo ng kanilang mga kompanya.

Ang  Burukrata Kapitalismo ay isang sistema na ang mga opisyal ng ng gobyerno ay ginagamit ang kanilang posisyon, gaya ng paggawa ng batas at ginagamit ang pondo ng bayan, pabor sa kanilang interes at ng ibang naghaharing uri at ng banyagang kapitalista.

Umaaray na raw ang dating untouchable family, kahit pa dalawa sa kanila ay kasalukuyang nasa poder, kaya’t isang solon ay pinakiusapan ng kanilang patriarch upang iparating ang kanilang mensahe sa mahigpit nilang kritiko sa Kongreso.

“Hirit daw ng tulay na kongresista sa kapwa solon, magdahan-dahan naman sa kabibira sa pamilyang Burukrata Kapitalista dahil nalulugi na raw ALL ang kanilang negosyo dahil sa tindi ng mga bira nito,” chika ng Las Chismosas member sa Batasan chapter.

“Huwag kang maniwala sa mga ‘yan. Binobola ka lang nila,” tugon daw ng kritiko ng pamilyang Burukrata Kapitalista.

Natiyope raw ang tulay na kongresista at iiling-iling na tumalikod na lamang na bagsak ang mga balikat dahil ang kanyang misyon ay nag-negatibo.

CLUE:

Malaki raw ang utang na loob ng tulay na kongresista sa pamilyang Burukrata Kapitalista dahil bukod sa magkapartido sila, binuhusan siya ng campaign funds noong May 2025 midterm elections para ipambili ng boto upang manatili ang tangan ng kanyang political dynasty sa lungsod na maraming kalokohan.

“Akala ng tulay na kongresista, maaareglo niya ang kritiko ng kanyang padrino para meron siyang pang-casino,” sabat ng miron.

Ang pamilyang Burukrata Kapitalista ay kasabwat daw ng daw ng dating matataas na opisyal ng pamahalaan sa panggagahasa sa pondo ng bayan kaya lumobo ng husto ang kanilang kayamanan.

Parehong mahilig sa kulay kahel ang pamilyang Burukrata Kapitalista at kanilang tulay.

Dahil hidhid sa pera at kapangyarihan, naging addict ang pamilyang Burukrata kapitalista sa salitang ALL.

Habang ang kanilang tulay ay napaulat na sugapa ang buong pamilya sa casino kaya hindi madaling lapitan sa kanilang lungsod.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *