Sat. Oct 5th, 2024
Barbie Imperial

WALANG malisya ang pagtatabi sa upuan sa isang bar sa Alabang nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Ito ang ikinuwento ng beteranong talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update vlog.

“‘Yung totoo niyan, si Barbie Imperial, ay isa sa mga shareholders ng Tipsypig. So ang may share si Barbie ay sa Tipsypig Timog, QC at doon sa Alabang. So bilang siya ay isa sa mga may-ari ay may obligasyon ‘yung mga may-ari na pumunta sa kanilang mga negosyo para mag-entertain ng mga bisita. Para magpakita sa mga bisita na ‘yun ay puntahan ng mga artista,” sabi ni Diaz.

Richard Gutierrez

“Nagkataon lang na kaibigan ni Richard ‘yung lahat ng may-ari ng Tipsypig. Parang apat na tables yun,” dagdag niya.

“So ‘nung naupo siya kay Barbie. Nakunan ng picture. Alam mo kahit sino pang babae ‘yan ah. Lalo na kung ang lalake o yung babae na involve sa isang relasyon, sa isang hiwalayan, tiyak na tututukan ng mga Marites kung sino yung next na makakasama nila.”

“Nagkatabi lang sila for how many minutes daw doon sa table as per my source, sandali lang yun syempre… lahat ng mga camera sa cellphone e nag-video, nag-picture. ‘Di ba? Pero hindi nila alam ‘yung mga nangyayari doon. Na merong selebrasyon, na dumiretso pa si Barbie sa Poblacion. Grineet niya yung ibang mga friends, staff doon sa Poblacion. Parang post Christmas party niya. Pero wala na ‘dun si Richard kasi nag-uwian na sila dahil si Richard, naka-motor. So karamihan ng mga bisita, naka-motor lang,” lahad ni Diaz.

Nauna rito’y napaulat na umuusad na ang annulment ng kasal nina Richard at misis na si Sarah Lahbati.

Habang tikom ang bibig ng isang umano’y opisyal ng gobyerno na napabalitang karelasyon ni Barbie. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *