Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang abogado na si Nicholas Kaufman matapos niyang tawaging “twisted, sensational at controlled by the powerful” ang pagbabalita hinggil sa kampanya kontra-droga ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa NUJP, hindi kinikilala ni Kaufman ang sakripisyo ng mga mamamahayag at litratista, kabilang ang “Night Crawlers”, na nagdokumento ng mga pagpatay sa kabila ng pag-aatubili ng ilang newsroom.
“Media workers active during the government’s violent anti-narcotics campaign will attest that most corporate media managers and owners were in fact hesitant, if not outright afraid, to go against the popular “war” that also had widespread support in both chambers of Congress,” anang NUJP.
“It was only when the bodies began piling up and intrepid graveyard shift reporters and the “Night Crawlers” insisted on covering and reporting that owners and news desks had to acknowledge the stories and the deaths,” dagdag ng grupo.
Ang naturang coverage, giit ng NUJP, ay para sa interes ng publiko at hustisya para sa mga biktimang tinaguriang “drug personalities” na pinaslang nang walang paglilitis.
“The coverage that followed was in the public interest and in the interest of justice for people summarily identified as “drug personalities” and killed without any semblance of trial.”
Binigyang-diin ng Commission on Human Rights na libo-libong kaso ng pagpatay ang hindi naimbestigahan, habang mismong Department of Justice ni Duterte ay nakakita ng iregularidad sa mga operasyon ng pulisya.
Inakusahan ng NUJP si Kaufman ng muling pagbuhay sa matagal nang napatunayang maling teorya na “staged” ang mga litrato ng drug war victims, na anila’y bumabastos sa mga biktima at nagpapawalang-halaga sa trabaho ng mga mamamahayag na nag-ulat sa kabila ng panganib sa kanilang kaligtasan at kalusugang pangkaisipan.
Si Kaufman, anang NUJP, ang naghahabi ng kasinungalingan at inuulit ang baluktot na lohika ni Duterte, pinalaki ang mga tagumpay ng kanyang kliyente, at inatake ang mga tagapaghatid ng katotohanan.
“Kaufman is the one manufacturing lies. He echoed Duterte’s twisted logic, sensationalized his client’s achievements and attacked the truth-tellers,” pagtatapos ng grupo. (ROSE NOVENARIO)