Tiniyak ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na walang sisinuhin sa isinasagawang imbestigasyon sa flood control anomaly kahit pa humantong ito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Inihayag ito ni Remulla sa budget hearing sa House Committee on Appropriations nang tanungin siya ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa progreso ng imbestigasyon sa mga isiniwalat ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo hinggil sa utos umano ni Marcos Jr. na P100-B insertion sa 2025 national budget.
Ipinaalala ni Tinio na batay sa testimonya nina Co at Bernardo ay dawit umano sa isyu sina dating Budget Secretary Amenah Pangandaman, dating Executive Secretary Lucas Bersamin, dating Undersecretary Adrian Bersamin, dating Education Secretary Trygve Olaivar at dating Justice Undersecretary Jojo Cadiz, lahat ay malapit umano kay Marcos Jr.
Ayon kay Remulla, hindi lamang nag-iingay sa media ang kanyang tanggapan hinggil sa pangangalap nila ng ebidensya upang matiyak na walang lusot ang kanilang mga iniimbestigahan. # (ROSE NOVENARIO)