Wed. Aug 26th, 2026

Sinabon ni Senator-Judge Raffy Tulfo si Ortonio matapos aminin na hindi siya nagtanong kay Lachica para sa dagdag na mga detalye sa pingkagastusan sa confidential funds, partikular ang mga gamot.

“Sakitin ba ang karamihan sa mga informants ng OVP?Hindi ba kayo nagtaka eh napaka-intelihente ninyong tao?” usisa ni Tulfo.

“Bakit di na lang kayo humingi sa DOH libre pa?”

Inamin ni Ortonio na hindi niya tinanong si Lachica dahil wala siya posisyon para alamin ito.

“It defies logic. You are not making sense at all,” giit ni Tulfo.

“It defies logic, Hindi kapani-paniwala ka rito. Nakakahiya ang mga paaralan kung saan ka graduate kasi ipinakita mo ngayon na nagtatanga-tangahan ka,” sabi pa niya kay Ortonio.

Nasaktan si Ortonio sa puna ni Tulfo dahil sa tingin niya ay ginawa niya ang kanyang tungkulin ngunit may limitasyon ito.

“Malapit ka kay VP Sara, ikaw ang nakapirma. Talking about taking offense, mas lalong offended ang taumbayan ngayon. ‘Yung mga sagot nyo, it defies logic.

Kung patuloy kang magbulag-bulagan, maaari kang makulong o mag-resign ka na lang. kung ako magre-resign na lang,” ani Tulfo.

Inutos ni Presiding Officer Chiz Escudero na palitan sa record ng impeachment court ang “feigning ignorance” ang salitang nagtatanga-tangahan na ginamit ni Tulfo.# (ROSE NOVENARIO)

By admin