DUDA ang Office of the Ombudsman sa tiyempo ng paglabas ng bansa ng mag-inang Sen. Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa panahon na iniimbestigahan sila sa plunder at graft complaints.
“We are flagging yung kanilang biyahe at this point in time dahil it’s really very suspicious na nandyan po sila at meron po tayong kaso rito na kailangan sumagot na sila, kailangan mag-appear na sila , at ‘yun pa yung time na lumabas sila ng bansa,” sabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano sa press briefing.
“Kung talagang mayroon siyang (Legarda) serious illness sana isa lang ang hiningi niya na medical leave, hindi yung pa -extend-extend,” aniya.
Kailangan aniyang punahin ng anti-graft body ang inasal ng mag-inang mambabatas lalo na’t ang mga kasong kinakaharap nila ay nakaapekto sa mga buhay ng mga Pilipino na nakaranas ng mataas na singil sa kuryente dahil sa hindi natupad na kontrata ng solar power franchise ng kompanya ni Leviste.
“We have to flag that kind of behavior, yung mga kaso po natin nakakaapekto sa mga buhay ng taumbayan. ‘Yung price po ng electricity tumaas dahil sa unfulfilled promises ng franchise na iyon. A lot of allocations for solar power was given to this company and yet hindi nila nagawa,” paliwanag ni Clavano.
“Ngayon nararamdaman po ng taumbayan ‘yung hirap at ‘yung pagtaas ng presyo ng kuryente,” giit niya.
Kailangananiyang sagutin at harapin ng mag-ina ang kanilang mga kaso. # (ROSE NOVENARIO)