Fit to stand trial si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kaugnay sa kinakaharap na kasong crimes against humanity, ayon sa International Criminal Court (ICC).
Nakasaad sa 17-pahinang desisyon na inilabas ng ICC Trial Chamber III noong Oktubre 8, may sapat na kakayahan si Duterte na lumahok sa paglilitis at gamitin ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng fair trial.
“The Chamber is satisfied that the accused is able to effectively exercise his fair trial rights in the proceedings and is therefore fit to stand trial,” ayon sa desisyon.
Batay ang pasya sa mga ulat mula sa independent panel of medical experts na naatasang suriin ang kalusugan ni Duterte, gayundin ang isinumite ng mga Partido at kalahok sa kaso.
Walang natuklasang bagong ebidensya ang expert panel na magpapakita na lumalala ang mental state o cognitive abilities ni Duterte.
Iniulat din ng panel na ang general physical health ni Duterte ay mas maayos bunsod ng tinatatanggap niyang medical at nursing care habang nasa bilangguan.
Ibinasura ng mga hukom ang hiling ng defense ng dagdag na medical examination dahil sapat ang mga report ng expert panel upang malaman ang abilidad ni Duterte na lumahok sa mga pagdinig.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis sa kas oni Duterte sa Nobyembre 30, 2026.#