Fri. Jul 5th, 2024

PERSONAL na iniabot ng aktres na si Isabelle Daza ang isang milyong pisong manager’s check kay Elvie Vergara, isang kasambahay mula sa Oriental Mindoro na nabulag dulot ng umano’y pang-aabuso ng kanyang mga amo.

Ibinahagi ng aktres sa isang video na ipinaskil sa Instagram reel ang pagkikita nila ni Nanay Elvie.

Nangalap ng pondo si Isabelle para kay Nanay Elvie sa pamamagitan ng GoGetfunding page.

“Sa tulong po ng lahat ng followers ko at sa lahat ng nanood ng news sa story mo, meron silang na-donate po para s aiyo. Itong donation po namin ay regalo para sa lahat ng pinagdaanan nyo po at napakahirap ng buhay at isang milyong piso po ito para sa iyo at para medical treatment , needs nyo, sa future.” ( mula sa isabelledaza/IG)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *