Thu. Nov 21st, 2024
Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

TINAWANAN lang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagiging tila paranoid ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy na nangangamba sa posibilidad na ipatumba siya ng Amerika sa pakikipagsabwatan umano ng matataas na opisyal ng Philippine government.

Ayon kay Marcos Jr, ang mga kasong kinakaharap ni Quiboloy sa US ay isinampa noong hindi pa siya pangulo ng bansa.

Giit ng Pangulo, mas makabubuting dumalo si Quiboloy sa mga pagdinig sa Mababang Kapulungan at Senado at ibahagi ang kanyang panig.

“The US— the cases against him in the US were filed before I became President. So, I guess he’s very worried doon sa ano. Well, I would just advise him that just kung mayroon naman siyang sasabihin, if— he has an opportunity in the hearings both in the House and in the Senate to say his side of the story. Kaya po sinasabi niya, hindi totoo lahat ‘yan, hindi totoo, walang nangyaring ganiyan, ‘di sabihin niya,” ani Marcos Jr. sa ambush interview bago umalis patungong Australia kanina.

Nagbabala siya na mas malaking gulo ang haharapin ni Quiboloy kapag patuloy na inisnab ang mga pagdinig ng Kongreso.

“At pagka ganito, ano nangyayari diyan, hindi siya sisipot, pag hindi siya sumipot baka ma contempt siya, oh tapos, tuloy-tuloy. Ay, naku. Eh mas malaking gulo,” aniya.

“Kung makapunta siya, sagutin niya lahat ng tanong, ‘di tapos na. That’s why my advice for him is to just face the questioning in the House and in the Senate. Marinig natin ang kaniyang side para malaman natin kung ano ba talagang nangyayari dito,” dagdag niya. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *