Thu. Nov 21st, 2024
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

TUMANGGI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lagyan ng mga water cannon ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas gaya nang ginagamit ng China Coast Guard laban sa Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS).

“We will not follow the Chinese Coast Guard (CCG) and the Chinese vessels down that road because it is not the mission of Navy, our Coast Guard to start, or to increase tensions,” sabi ni Marcos Jr. sa ambush interview sa Pasay City.

“Their mission is precisely the opposite, it’s to lower tensions,” dagdag niya.

Ang pahayag ni Marcos Jr. ay bilang tugon sa katanungan kung papahintulutan niya na magkaroon ng water cannon ang Philippine vessels para ipantapat sa mga agresibong pag-atake ng CCG laban sa mga sasakyang pandagat ng bansa.

Nanindigan siya na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagtatanggol ang sovereign rights at soberanya sa lahat ng diplomatikong paraan.

“No. We are, what we are doing is defending our sovereign rights and our sovereignty in the West Philippine Sea. And we have no intention of attacking anyone with water cannons or any other such offensive…I would have to call them weapon dahil nakaka-damage na,” giit ni Marcos Jr.

“All we do is pagka-nangyayari wina-water cannon ‘yung mga barko natin ay nagpapadala tayo ng démarche, nagpapadala tayo ng sulat sa China and the other stakeholders,” aniya.

Ang démarche ay isang “diplomatic gesture to state a government’s position on an issue or subject.”

Ginamit ng CCG ang isang “jet stream pressure” laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na nasa routine humanitarian mission sa Bajo de Masinloc.

Binigyan diin ni Marcos Jr. hindi gagamit ng anomang opensibang armas ang Pilipinas laban kaninoman at hindi kailanman kikilos ang Pilipinas para pataasin ang tensyon sa West Philippine Sea. (ROSE NOVENARIO)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *