Sat. Nov 23rd, 2024

MARIING kinondena ng Movement Against Disinformation (MAD)ang patuloy na pag-red-tag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa journalists, human rights defenders , truth-tellers, at ibang pang bulnerableng progresibong grupo.

Sa isang kalatas ay sinabi ng MAD na ang ginagawa ng NTF-ELCAC ay malinaw na pagpapahina sa awtoridad ng desisyon ng Korte Suprema at nagdudulot ng seryosong banta sa integridad ng sistemang panghukuman.

“The ruling in the Deduro case, authored by Hon. Justice Zalameda, clearly stated that “red-tagging, vilification, labeling, and guilt by association threatens a person’s right to life, liberty, or security, which may justify the issuance of a writ of amparo,” ayon sa MAD.

Ang napakahalagang desisyong ito, anang MAD, ay isang makabuluhang hakbang tungo sa pangangalaga sa mga karapatan ng mga nagsasabi ng katotohanan, tagapagtaguyod, at aktibista laban sa extrajudicial actions.

Sa desisyon ng Supreme Court ay binaligtad ang naging pasya ng lower court na ibasura ang 2020 petisyon na inihain ng aktibistang si Siegfred Deduro, na nagsabing direkta siyang tinukoy ng militar at anti-communist groups na may kaugnayan sa New People’s Army (NPA).

Gayunman, ang isang kamakailang insidente na binansagan ng NTF-ELCAC ang mga organisasyon ng kabataan bilang “mga terorista” sa isang seminar at namamahagi ng mga leaflet sa mga mag-aaral sa Taytay Senior High School ay lumalabag sa mga prinsipyong itinatag ng Korte Suprema sa desisyong ito.

“This, couples with the group’s unwarranted harassment and surveillance of educators, demonstrates disrespect for judicial authority,” sabi ng MAD.

“Further, the continued presence of NTF-ELCAC in schools underscores the lack of alignment between the governing policies and guiding principles of the judiciary and executive branches,” dagdag ng grupo.

Hinimok ng MAD ang Kongreso na magpatibay ng batas laban sa red-tagging.

“We call on all relevant authorities to uphold the Supreme Court’s decision in the Deduro case and take resolute measures against perpetrators of red-tagging.
Nananatiling matatag anila ang MAD sa paghahangad ng hustisya at pananagutan para sa mga biktima ng red-tagging.

“MAD is resolute in leveraging the Supreme Court’s ruling in the Deduro case to support its advocacy of countering disinformation and in upholding truth and the rule of law.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *