📷 Senator Sherwin Gatchalian | The Summit Express
NANINDIGAN si Senador Win Gatchalian na hindi lusot sa anumang pananagutan ang mga bangkong dinaanan ng mga mapapatunayang launder money lalo na;t nabigo itong magreport sa anti money laundeting council (AMLAC).
Ang reaksyon ni Gatchalian ay matapos na matukalasan sa kanilang mga ginagawang pagsisiyasat na ang ilang mga perang ginamit sa illegal Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) at illegal na Gawain ay dumaan sa ilang mga bangko.
Partikular na tinukoy ni Gatchalian ang perang puhunang ipinasok ng pamilya ni Bamban Mayor Alice Guo ng sila ay mag-apply ng Special Investor’s Resident Visa (SIRV) ng sila ay pumasok sa bansa.
Sinabi ni Gatchalian na lubhang nakapagtataka ng klase ng buhay at daming pera ng pamilya ng alakalde gayong ang kanilang unang kumpanyang itinayo na garments ay hindi naman kumikita.
Tiniyak ni Gatchalian na hindi niya papayagan na makalusot ang ilang mga bangkong pinagdaan ng mga perang mapapatunayang money launder.
Obligaysyon kasi ng isang bangko na agarang mag-ulat sa AMLAC sa sandaling matukoy nila na ang isang account ay suspicious at sobra-sobra ang deposito o pumapasok nap era sa isang aaccount sa ilalim ng ating batas.
Tiniyak pa ni Gatchalian na kanya ding bubusisiin kung anu-ano talaga ang kumpanyang naitayo ng pamilya Gou at kung tamang bang nagbabayd ito ng buwis at tama ang mga deklarasyong ginagawa ng mga ito.
Sa ngayon ay inamin ni Gatchalian na nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang AMLAC upang matukoy kung anu-ano at magkano ang mga launder money at saang mga bangko ito dumalo lalo na;t may tinatawag na cash flow.
Nagtataka din si Gatchalian kung bakit nabigo ang mga bangko na agarang Know Youre Client (KYC) at agarang kwestyunin ang isang depositor kung ang kanyang idedeposito ay lampas sa limang daang piso. (NIÑO ACLAN)