Sun. Oct 6th, 2024

📷dating Negros Oriental Gov. Pryde Teves

KINOMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) ang pagdakip kay dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves, sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Cebu City Regional Trial Court Branch 74 dahil sa paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 sa Brgy. Taclobo, Dumaguete City, Negros Oriental  kahapon.

Nakababatang kapatid si Teves nang pinatalsik na kongresistang si Arnolfo Teves at parehong tinaguriang terrorist ng Anti-Terrorism Council (ATC)  noong nakaraang taon, kasama ang 12 iba pa, sa pagkasangkot sa mga patayan at pandarahas sa Negros Oriental

Akusado ang magkapatid na Teves bilang mga mastermind sa pagpatay ex-Negros Oriental governor Roel Degamo.

Nakapaglagak ng piyansang P600,000 si Teves para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *