Katatapos lang pero ikinakasa na agad ng Kasuso Foundation ang kanilang ikatlong Christmas party na idaraos sa Setyembre.
Sa mga hindi nakakaalam, ang founder ng nasabing foundation na kumakalinga sa maraming breast cancer patients ay ang multi-slashie na si Ogie Diaz.
Who says that all he does for a living is snoop around for gossip? Bukod sa pagma-manage ng mga artista, pag-arte on the side and a content creator ay abala rin si Ogie sa mga humanitarian endeavors tulad nito.
Teka, was I serious when I said earlier they’re gearing up for their third Yuletide treat this September?
Opo. Sa katunayan, apat na beses nagdaraos ng ganitong pagtitipon ang Kasuso Foundation.
Dahil apat na quarters meron ang isang taon, four quarterly Christmas parties din ang inihahandog nila sa kanilang beneficiaries.
Tulad nito ikalawang party, may 300 daang breast cancer patients ang dumalo at umuwing may ngiti sa kanilang mga labi.
Foundations like this–to keep them operational–are fueled by funds.
Dahil na rin sa itinanim na tiwala ni Ogie, hindi naging problema ang mangalap ng mga sponsors na nag-uunahan pa: mula sa pagkain hanggang raffle prizes hanggang cash gifts at kung anu-ano pa.
Wait there’s more.
Aside from an avalanche of pre-Christmas freebies ay nadagdagan pa ng saya ang paligid sa pagdalo ng mga celebrity guests na nag-perform din nang bonggang-bongga.
After September, inaasahan ni Ogie na lolobo ang bilang ng mga benepisyaryo ng itinatag niyang foundation.
So, expect a bigger Christmas party sa December.
Pag-aanunsyo nga ni Ogie: “Hihilingin namin kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na kung maaari’y idaos namin ‘yon sa Amoranto Stadium para pagkasyahin ang ine-expect naming 700 breast cancer patients…siyempre, para mas masaya!”
May rationalè behind holding such parties kahit hindi pa Pasko four times a year.
Ito’y para malaman nila kung kumpleto pa silang magsama-sama para sa mas masaya na namang pagkabuklud-buklod sa kabila ng kanilang kalagayan.
Kunsabagay, no physical ailment is bigger than the love we share with other people.
Mabuhay ang Kasuso Foundation!