Fri. Nov 22nd, 2024

BINATIKOS ng Makabayan coalition ang napaaga at mapanlinlang na mga pahayag ng Department of Justice sa mga electoral prospect ng mga progresibong mambabatas.

Sinabi ni Makabayan coalition co-chairperson at human rights lawyer Neri Colmenares na ang mga naging pahayag ng DOJ na nagmumungkahi na maaaring madiskuwalipika sa pagtakbo sina ACT Teachers Partylist Representative France Castro at dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo sa pagtakbo sa 2025 Mid- Term Elections ay napaaga, walang legal na basehan at mapanlinlang.

“The DOJ’s statement is not only premature but also legally baseless and potentially misleading,” ayon kay Colmenares.

“There is absolutely no legal ground to disqualify Rep. France Castro or former Rep. Satur Ocampo at this point, as they have not been convicted by final judgment. They still have the right to appeal the decision to higher courts,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Colmenares na ang sinabi ng DOJ ay labag sa mga itinatag na legal na prinsipyo at sa presumption of innocence.

“It’s alarming that the DOJ, which should stand for justice and legal accuracy, is making such irresponsible claims,” giit ni Colmenares.

Ipinunto din ng human rights lawyer na sa ilalim ng Code of Professional Responsibility and Accountability (CEPRA), ang mga abogado ng gobyerno ay ipinagbabawal na magpakalat ng maling impormasyon o disinformation.

“This is not just a misrepresentation of the law and rules, it’s highly unethical,” Colmenares stressed,” ani Colmenares.

Nanawagan ang Makabayan sa DOJ na bawiin ang nasabing pahayag at tigilan ang paggawa ng mga komentong nakapipinsala na maaaring labis na makaimpluwensya sa opinyon ng publiko o judicial process.

Binigyan diin ng grupo na may mga sikat na opisyal ng gobyerno na nahatulan pero tikom ang bibig ng DOJ sa kanilang kaso.

Dapat aniyang hayaan na umusad ang proseso ng batas nang  walang labis na panghihimasok o haka-haka mula sa mga ahensy ng gobyerno.

“We call on the DOJ to retract its statement and refrain from making prejudicial comments that could unduly influence public opinion or the judicial process. Maraming sikat na public officials ang convicted, pero DOJ never volunteered comments.Let the legal process take its course without undue interference or speculation from government agencies.”

Inulit ni Colmenares ang suporta ng Makabayan coalition para kay Castro, Ocampo, at iba pang mga progresibong lider na nahaharap sa anila’y mga kasong politically motivated.

Ang sumasawsaw sa partisan political activity  kahit malayo pa ang election ay paglabag sa anti-graft laws at ethical standards of public officials.

“We stand firm in our belief that these cases are part of the continuing political persecution against progressive leaders who have consistently stood up for the rights and welfare of the Filipino people. Itong mga DOJ nagpapartisan political activity na kahit malayo pa ang eleksyon. This constitutes violation of anti graft laws and ethical standards of public officials, “ wika ni Colmenares. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *