Fri. Nov 22nd, 2024

📷Consul General Elmer Cato | Facebook

 

IBINASURA ni Angeles City prosecutor Oliver Garcia ang cyberlibel complaint na inihain ni Consul General Elmer Cato laban sa publisher at ilang editor at reporter ng Daily Tribune at sister publication nitong Dyaryo Tirada dahil sa kawalan ng hurisdiksyon at probable cause.

“We are inclined to agree with the observation that this office lacks jurisdiction in view of recent jurisprudential developments,” sabi ni Garcia batay sa ulat ng Philippine Daily Inquirer.

Giit niya, ang patakaran ay ang “venue in criminal cases is jurisdictional.”

“Criminal action must be commenced in the place where the crime was committed, or in any place where one of the essential ingredients or elements thereof occurred,” aniya batay sa resolusyon na may petsang 12 Hulyo 2024.

Si Cato, na nagsampa ng reklamo sa Angeles City, Pampanga, ang kanyang opisyal na tirahan, ay nagsabing sa kanyang P10-million defamation suit na siya ay sumailalim sa tinatawag niyang “fake news” na kinasasangkutan ng 17 counts ng diumano’y paglabag sa Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) kaugnay ng libel sa ilalim ng Revised Penal Code.

Kabilang sa kanyang sinampahan ng reklamo ay sina Willie Fernandez, ang publisher ng pahayagan; at mga mamamahayag na sina Gigie Arcilla, Chito Lozada, Dinah Ventura, Gibbs Cadiz, John Henry Dodson, Allan Hernandez, Jom Garner, Rey Bancod, Manny Angeles, Rose Novenario, Gilmor Leaño, Alvin Murcia, @TEB, @BT, Vanessa Antonio, Enrique Catilo at Apple Cabasis.

Sinabi ni Cato, na kasalukuyang nakatalaga sa Milan, Italy, na inakusahan siya umano bilang nagkakanlong sa isang immigration consultancy firm na iniimbestigahan dahil sa  panlilinlang sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa Italy.

Ayon kay Garcia, “the pleadings and arguments on record suggest that the complainant, as a public official, faces an uphill battle in establishing the existence of libel.”

Binigyan diin ng prosecutor na bilang serbisyo-publiko , dapat ay bukas si Cato sa mga pagpuna at pagbusisi at hindi mabilis na umaalma agad ng libel sa bawat negatibong komentaryo tungkol sa kanya.

“Constitutional guarantees of freedom of speech and of the press, and the public interest in the uninhibited discussion of matters of public concern, tilt the balance heavily in favor of the respondents. The complainant would do well to remember that as a public servant, he must be open to criticism and scrutiny, and must not be too quick to cry libel at every unflattering remark or commentary,” ani Garcia.

Sinabi ni Cato, isang mamamahayag bago sumali sa foreign service, na ang 92 kaso ng aggravated fraud na isinampa laban kay Alpha Assistenza sa Office of the Public Prosecutor sa Milan ay patunay na ang Konsulado ay hindi natutulog sa trabaho.

Aniya, ang Tribune at ang Dyaryo Tirada, ay nakabatay sa paulit-ulit na alegasyon nito sa mga pahayag nina Antonio, Catilo at Cabasis, na kabilang sa mahigit 200 aplikante sa Pilipinas na nagbayad ng Alpha Assistenza ng mahigit P20 milyon para sa non-existent jobs sa Italy.

Naniniwala si Cato na nadamay siya sa isyu dahil sa tunggalian ng negosyo sa pagitan ng mga manning agencies na pag-aari ng mga Pilipino sa Milan, kasunod ng kanyang plano na i-regulate ang mga kumpanyang ito upang itigil ang napakalaking bayad na sinisingil para sa mga serbisyong ibinibigay sa mga kliyenteng Pilipino. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *