📷Vice President Sara Duterte
NAIRITA ang limang kongresista sa mga ‘hanash’ ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa pagtanggal sa 75 pulis mula sa 400 unipormadong security detail niya.
Sa magkakahiwalay na pahayag ay hinimok nina Laguna Rep. Dan Fernandez, Zambales Rep. Jay Khonghun, La Union Rep. Paolo Ortega V, Manila Rep. Joel Chua at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong si Vp Sara na gawin lang ang kanyang trabaho at ipinaalala sa kanya na sa kasagsagan ng pananalasa ng super typhoon Carina noong Hulyo 24 ay nagbaksayon siya sa Germany.
Ang reaksyon ng mga mambabatas ay bilang tugon sa open letter ni VP Sara sa mga Muslim Filipino at sinabi niya na walang pinatutunguhan ang bansa dahil walang ginagawa ang gobyerno.
Babala ni Chua, dapat busisiin hanggang sa huling sentimo ang budget ng Office of the Vice President lalo na’t P2 bilyon ang hirit na budget nito para sa susunod na taon.
Sinabi naman ni Khonghun naman ang pagkawala ni VP Sara bilang pangalawang pinakamataas na pinuno ng bansa sa kasagsagan ng bagong Carina.
Hindi naman maunawaan ni Ortega kung bakit pinalalaki ni VP Sara ang usapin ng pag-alis sa 75 pulis sa kanyang security detail gayong may natitira pang 400 na unipormadong nagbabantay sa kanya.
Para kay Fernandez, ang ideal ratio ng police deployment sa Pilipinas ay isang pulis sa bawat 500 katao, na kabligtaran sa sitwasyon ni VP Sara.
“In fact she should be thankful. Having 400 men assigned to you when there are only 75 men in some of our far-flung islands is excessive and irrational,” ani Fernandez.
Kahit sumasang-ayon si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na kailangan ng bansa ng mas maayos na mga pinuno, hindi naman dapat manggaling sa pamilya Marcos at Duterte.
“We Filipinos, definitely deserve better and it will not come from the Dutertes or Marcoses,” ani Castro.
“It will come from the ranks of the masses themselves who espouse the politics of change and true service to the people,” giit ng teacher solon. (ZIA LUNA)