📷Police Major General Romeo Caramat Jr.
INAABANGAN ng lahat ang inaasahang pagsisiwalat ni Police Major General Romeo Caramat Jr. ng lahat ng kanyang nalalaman hinggil sa ipinatupad na madugong drug war ng administrasyong Duterte sa kanyang pagharap sa unang pagdinig ng “quadruple committee” ng Mababang Kapulungan sa Huwebes, Agosto 15.
Ang apat na komite ay inatasan na mag-imbestiga sa pagkakaugnay ng Philippine offshore gaming operators (Pogos), illegal drug trade, at extrajudicial killings na naganap sa Duterte drug war alinsunod sa House Resolution (HR) No. 1880.
Kabilang sa quad comm ay ang Committee on dangerous drugs na pinamumunuan ni Rep. Robert Ace Barbers, Committee on public order and safety ni Santa Rosa Rep. Dan Fernandez, Committee on public accounts ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano at Committee on human rights (Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr.
“Well, we’re expecting top PNP officials to come to the hearing. Criminal syndicates or organizations launder and clean their money through these legal [POGO] businesses that they establish in the country,” sabi ni Barbers.
“There’s the CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) personnel, PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) officials, and some PNP generals, including General Caramat,” dagdag niya.
Giit ng mambabatas, kahit bukas sila sa pagtanggap ng mga testimonya hinggil sa nangyaring mga patayan sa drug war sa police operations at mga krimen na may kinalaman sa Pogo, hindi nila hahayaan ang pagharap ng mga saksi na may hinihintay na kapalit.
“So many people are sending feelers that they want to testify before the quad comm (quadruple committee). We welcome all those who want to tell the truth. It’s their choice to testify or give information in an open hearing, or in a [closed door] executive session if it has national security implications,” ayon kay Barbers.
“Pero wala pong kapalit [ang pagtestify]. Hindi po natin ito itotolerate, ‘yang [hihingi ng] mga kapalit. Gawin po natin para sa bayan, hindi para sa kanino man,” giit niya.
Bato dela Rosa ‘Marites’
Tinawag ni Barbers na ‘marites’ o tsismis lang ang pahayag ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na pine-pressure ng administrasyong Marcos Jr. si Caramat na tumestigo laban sa kanya at kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, at iba pang opisyal sa pamamagitan ng pag-alok sa PNP chief post.
“Tungkol kay General Caramat, mukhang marites lang ‘yun [ni Senator dela Rosa],” ani Barbers.
“The Speaker of the House does not have the authority to appoint a PNP chief. That depends on the President’s trust and confidence [in the individual]”
Ipinanukala niya na dumalo si Dela Rosa sa quad comm probe
“Ang amin po eh ‘yung katotohanan lang sa likod ng mga sindikatong ito. Ano itong mga sindikatong ito? Sino nga sumusuporta dito? Sino ang protector? Sino ang coddler ng mga sindikatong hindi ito na pinayagang mamayagpag itong mga iligal na gawain sa ating bansa?,” giit ni Barbers.
“Itong usapin ng investigation sa EJK, eh, napakalaki po ng information na pwedeng maitulong ng ating senador…dahil during his time as chief PNP, dito po lumalabas na marami pong nagkaroon ng EJK. We would appreciate any information. In fact, magagamit natin yung kanyang wisdom, yung kanyang experience sa pagsusulat ng batas sa ganun, may iwasan na po itong mga ganito,” ani Barbers tungkol kay Dela Rosa.
Nauna nang isiniwalat ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na itinuturing ng suspect ng International Criminal Court (ICC) sa pag-iimbestiga sa crimes against humanity sina Dela Rosa, Caramat, dating PNP chief Oscar Albayalde, dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo, at dating PNP intelligence officer Eleazar Mata.
Hiniling na rin aniya ni ICC Prosecutor Karim Ahmed Khan na ilagay sa blue notice ng Interpol ang limang suspects. (ROSE NOVENARIO)