📷Bayan Muna Chairman Neri Colmenares
DESPERADO at duwag si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na panagutan ang libu-libong extrajudicial killings na naganap sa gera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag ito ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares kasunod ng privilege speech ni Dela Rosa na tumutuligsa sa pagtulong ng Pilipinas sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity kaugay sa malawakang patayan sa Duterte drug war.
“Senator Dela Rosa’s invocation of ‘parens patriae’ and sovereignty is nothing but a smokescreen to hide behind while evading responsibility for the brutal campaign he oversaw as police chief,” sabi ni Colmenares.
Ang biglaan aniyang pagkakaroon ng malasakit ni Dela Rosa sa pagbibigay proteksyon sa mga Pinoy ay mababaw lalo na’y libu-libong buhay ang nawala habang ipinatutupad ng senador ang drug war ni Duterte.
“His sudden concern for protecting Filipinos rings hollow given the thousands of lives lost under his watch. Habang nagwawala ang China sa WPS tahimik sya, ngayon saka sya mag-iingay about sovereignty nung natakot syang makulong,” giit ni Colmenares
Ipinunto ng Bayan Muna chairman na ang talumpati ni Dela Rosa, na tumataliwas sa pakikipagtulungan sa ICC ay malinaw na isinasantabi ang katotohanan na ang sistema ng hustisya sa Pilipinas ay nabigong panagutin ang sinumang matataas na opisyal sa mga pagpatay sa digmaan sa droga.
“If Senator Dela Rosa truly believes in sovereignty and protecting Filipinos, he should face the allegations against him in our own courts instead of hiding behind parliamentary privilege,” ayon kay Colmenares.
“His refusal to do so only highlights the culture of impunity that continues to plague our nation.”
Hinimok ni Colmenares ang Senado at ang sambayanang Pilipino na ituring ang retorika ni Dela Rosa bilang pagtatangka na ilusot ang sarili sa pagharap sa hustisya sa kanyang naging papel sa gera kontra droga.
Nararapat aniyang bigyan ng hustisya ang mga pamilya ng mga biktima at hindi pagmamaniobra sa politika.
Wala aniyang nagawa ang talumpati ni Dela Rosa para tugunan ang kanilang pighati o isara ang madilim na kabanatang ito sa kasaysayan ng bansa bagkus ay nagsisilbi lamang para protektahan ang kanyang sarili at ang kanyang dating amo mula sa pananagutan.
“The families of the victims deserve justice, not political maneuvering,” Colmenares concluded. “Senator Dela Rosa’s speech does nothing to address their pain or bring closure to this dark chapter in our history. It only serves to protect himself and his former boss from accountability.” (ROSE NOVENARIO)