Sun. Nov 24th, 2024

TULUYAN nang pinatalsik ng Ombudsman si Alice Guo bilang mayor ng Bamban, Tarlac.

“The Office finds Alice Leal Guo guilty of grave misconduct for which she is meted with dismissal from service with forfeiture of all her retirement benefits and perpetual disqualification to re-enter government service,” ayon sa desisyon ng Ombudsman.

Sa 25-pahinang resolution, sinabi ng Ombudsman na sinadya ni Guo ang paglabag sa mga umiiral na batas sa Pilipinas batay sa nakalap na mga rekord mula nang siya ay pribadong mamamayan pa lamang hanggang maging alkalde ng Bamban noong 2022.

Tinukoy rin ng Ombudsman ang pagbili ni Guo ng 10-ektaryang ari-arian na gina niyang POGO hub na kalauna’y natuklasang kuta ng mga illegal na aktibidad gaya ng scam farms, human trafficking, kidnapping, espionage at money laundering.

“The series of acts are interconnected leaving no other conclusion than that they were committed by Guo with ulterior motives of self interest.”

Ibinasura ng Ombudsman ang depensa ni Guo na inalis na niya ang kanyang mga sapi mula sa kanyang kompanyang Baofu, na nagmamay-ari sa lupain na kinatitirikan ng POGO hub.

“This is a clear conflict of interest. The element of corruption, willful intent to violate the law… are all quite evident. Guo must be held liable for the same,” anang Ombudsman

Magugunitang ilang beses na itinanggi ni Guo ang koneksyon sa illegal POGO hub pero nabisto ng mga awtoridad na siya pala’y isang Chinese national.

Nagtago na si Guo makaraan matuklasan ang tunay niyang pagkatao. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *