Sun. Nov 24th, 2024

📷Kabataan Partylist EVP Renee Co

 

ISANG malaking kahangalan ang panukala ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na magpasa ng batas na magbabawal na makipagtulungan ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), ayon kay Kabataan Partylist EVP Renee Co.

Samu’t saring pakulo at pagtambling ang ginagawa aniya ni Bato para makatakas sa pananagutan sa malawakang patayan sa ipinatupad na madugong drug war ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP).

“Another circus trick. Kung anu-anong pagtatambling ginagawa ni Bato para makatakas sa accountability. Ilalayo niya ang buong Pilipinas sa international community para lang itago ang mga sala niya sa pagpapaslang sa war on drugs,” sabi ni Co.

Natatakot aniya si Bato na makita ng buong mundo ang kawastuhan ng pagtatanggol sa karapatang pantao kaya ganoon na lamang ang pag-atake ng senador sa human rights defenders.

Giit ni Co, isinusulong ni Bato ang internal investigation sa pag-asang bilang senador at dating PNP chief ay maiimpluwensiyahan niya ang mga tagapagpatupad ng batas upang hindi siya maparusahan.

“Gusto lang ni Bato ng internal investigation kasi iniisip niyang, bilang Senator and former PNP Chief, he can pull strings and call in favors with law enforcement para di siya maparusahan.”

Nanginginig aniya sa takot si Bato sa pangitain na humarap sa paglilitis sa ibang batas dahil batid niyang hindi abot ito ng kanilang impluwensiya ng patron niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

‘This is why international prosecution scares him: he is afraid to go beyond the reach of his own influence, or his padron Duterte’s influence,” wika ng youth leader.

Ani Co, sinisikap din ni Bato na iligtas ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbibigay-kasiyahan sa mabubuting biyaya ng imperyalismong US, panay ang pagkuda ng mga papuri at pag-arte bilang kanilang papet sa ngalan ng pagtindi ng geopolitical na tensyon sa West Philippine Sea.

Kinukuyog na aniya si Bato ng lakas ng dagundong ng panawagan ng sambayanang Pilipino na panagutin siya sa mga kasalanan sa bayan.

Hindi na makakaiwas si Bato sa reyalidad na ang paghahanap ng hustisya ng mga biktima ng gera kontra droga ni Duterte ay abot-kamay na, ayon kay Co.

“We will continue to intensify our campaigns against Duterte and his generals, and hold them accountable for their crimes against humanity.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *