Sat. Oct 5th, 2024
Gillian Vicencio

ILANG oras makaraang isapubliko nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay matapos ang 11-taong relasyon, kumalat ang balitang ang dahilan umano ay ang aktres na si Gillian Vicencio.

Si Vicencio, isang Star Magic artist, ay tumatak sa fans sa role niya bilang si Tox sa teleseryeng Too Good To Be True na pinagbidahan nina Daniel at Kathryn at ipinalabas noong 2022.

Nagsimula siya sa pag-arte noong 2018  sa pelikulang Eerie kasama si Bea Alonso atsa direksyon ni Mikael Red.

Itinampok siya sa iWant series na Kargo noong 2019 at naging bahagi rin ng Hellcome Home, Hello Stranger: The Movie, at Four Sisters Before the Wedding.

Sa isang panayam noong Setyembre 2023 kay DJ Jhaiho ay itinanggi ni Vicencio ang mga balitang nag-uugnay sa kanya kay Daniel at sa katunayan ay close aniya sila ni Kathryn na “approachable at maalaga.”

Hinihintay pa ang magiging pahayag ni Vicencio sa panibagong pagkaladkad sa kanyang pangalan sa KathNiel split. (ZIA LUNA)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *