Sun. Oct 6th, 2024

 

Miles Ocampo

KITANG-KITA ni Miles Ocampo ang “pagsusubuan” ng kanyang ex-boyfriend na si Elijah Canlas at Andrea Brillantes.

Ito ang chika ng beteranong showbiz host-manager na si Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update vlog.

Naibato raw ni Miles ang kanyang cell phone nang mapanood ang video na nagsusubuan sina Elijah at Andrea.

“Confirmed ito at hindi ito basta naririnig lang.Totoo ito. Hindi ko lang alam kung ide-deny nya pero ito, paninidigan ko totoo ito,” intro ni Ogie sa isyu.

“Aba, napanood nitong si Miles Ocampo ‘yung video nila Andrea at Elijah, nagsusubuan sila ng spaghetti,” kuwento ni Ogie habang tumatawa.

Ang hindi lang alam ng showbiz host ay paano nakarating kay Andrea na alam o napanood ni Miles ‘yung video na nagsusubuan sila ni Elijah.

Elijah Canlas

“Alam mo ba kung ano ginawa ni Miles? Pak, ibinato ang cell phone, ‘yun ang ipinarating sa akin ng source ko,” dagdag niya.

Andrea Brillantes

Nagkalamat-lamat aniya ang screen ng cell phone ni Miles.

“Nabwisit si Miles, eh. “

Matatandaan noong Nobyembre 24 nang ihayag ni Elijah na naghiwalay na sila ni Miles ngunit walang tinuran na dahilan ang aktor.

Habang si Andrea, na kasama ni Elijah sa teleseryeng Senior High, ay nadawit sa KathNiel split.

Tikom pa rin ang bibig ni Andrea sa pagkakasangkot sa mga nasabing isyu. (ZIA LUNA)

 

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *