Sun. Oct 6th, 2024
Xian Lim at Kim Chiu

TOTOONG hiwalay na sina Kim Chiu at Xian Lim, ayon kay veteran showbiz manager-host na si Ogie Diaz.

Ayon sa common friend nila, hindi lang maamin ni Kim dahil pinoproseso pa ng aktres ang sitwasyon at hindi naman maaasahan si Xian ang magsalita hinggil sa isyu.

“Naku, ang pagkakaalam ng friend ko ay nauna ang KathNiel bago sila naghiwalay,” sabi ni Ogie sa kanyang Showbiz Update vlog.

“Siguro mga two months na,” dagdag niya.

“Wala naman raw third party. It’s just that parang walang plano si Xian sa kanyang 12 years na relationship. Parang hindi niya priority. Parang naghihintay lang si Kim Chiu ng proposal dahil 12 years na sila,” sabi umano ng source ni Ogie.

Ang kinabibilangang It’s Showtime ni Kim  ang dahilan kaya nakakangiti pa rin ang aktres sa kabila nang pinagdaraanan, sabi pa umano ng source ni Ogie.

‘Kasi bawal ang malungkot sa It’s Showtime kaya this December ay huwag na raw tayo ma-shock kung hindi na natin makita si Xian Lim sa vlog ni Kim sa Christmas break niya. Isa sa mga araw na ito’y magsasalita na finally si Kim Chiu,” lahad ni Ogie.

Napansin ng netizens na binura lahat ni Xian ang lahat ng video sa kanyang YouTube channel pati ang videos na magkasama sila ni Kim sa kanyang vlog.  (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *