ITINUTURO ang mga ahente ng estado bilang nasa likod ng pagdukot kina Felix Salaveria Jr. at James Jazmines sa Tabaco City, Albay, batay sa resulta ng quick reaction mission ng human rights group na Karapatan.
Ayon sa Karapatan, ang isang pangkat na ipinadala nito sa Albay upang tulungan ang asawa ni James sa paghahanap sa kanya ay nauwi sa pagkalap ng mga detalye hindi lamang sa isa kundi sa dalawang tila konektado na pagdukot matapos nilang kapanayamin ang mga residenteng nakasaksi kay Felix Salaveria Jr., isang cycling buddy ni James , na dinukot malapit sa kanyang bahay pasado alas-10 ng umaga ng Agosto 28, 2024.
Si Salaveria ay iniulat na itinulak sa isang silver na van ng mga lalaking naka-plain na damit. Siya ay residente ng Barangay Cobo, Tabaco City, Albay sa nakalipas na dalawang taon.
Ikinuwento rin ng mga saksi na isang grupo ng mga nakaunipormeng pulis ang pumasok sa bahay ni Salaveria dakong alas-7 ng gabi. para tangayin ang mga personal na gamit ni Salaveria, kasama ang kanyang cellphone at laptop.
“The policemen were obviously acting on orders,” sabi ni Karapatan secretary general Cristina Palabay.
“The fact that they broke into Salaveria’s house after his abduction indicates that they were part of the same State-perpetrated operation,” giit niya.
Ibinunyag ni Palabay na si Salaveria ang tumawag sa hotline ng Karapatan noong umaga ng Agosto 26 para iulat ang pagkawala ni James Jazmines matapos mabigong tumugon si James sa kanyang mga tawag at text.
“At first,he thought that James may have been too tired to respond after riding his bike home from a dinner Salaveria had hosted at a restaurant on the night of August 23 to celebrate his birthday,” ayon kay Palabay.
Sinabi ni Palabay na sinubukan ni Salaveria na kumustahin si James noong Agosto 24 ngunit ang kanyang bahay ay naka-lockk aya naisip tuloy niya na maaaring naaksidente ito.
“But when he failed to find James in any of the nearby hospitals, he began suspecting the worst and decided to get in touch with Karapatan,” ani Palabay.
“Unfortunately, we lost contact after Salaveria himself was abducted just hours before Karapatan’s Quick Reaction Mission team arrived in Tabaco City on August 28.”
“We join the families of James Jazmines and Felix Salaveria Jr. in demanding that they be surfaced immediately, alive and unhurt,” ani Palabay.
“With growing indications that their abduction and disappearance is a State-perpetrated operation, we demand that those responsible be held accountable for violating RA 10353 or the Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012, which punishes the crime of involuntary disappearance with life imprisonment.”
Sa isang online press conference, kapwa nanawagan sa administrasyong Marcos Jr. ang mga pamilya nina James at Felix na ilutang ang kanilang mga mahal sa buhay at tiyakin na ligtas , nasa mabuting kalagayan at protektado ang kanilang constitutional rights, lalo na’t pareho silang may problema sa kalusugan. (ROSE NOVENARIO)