Mon. Nov 25th, 2024

Pinabulaanan ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang Makabayan bloc ay nakipagpulong kay House Speaker Martin Romualdez hinggil sa isang impeachment move laban sa Bise Presidente.

“VP Duterte should get her facts straight at hindi puro Marites ang source,” ayon sa teacher solon.

“Unang-una walang katotohanan na kami sa Makabayan bloc ay nakipagpulong kay House Speaker Romualdez para sa impeachment ni VP Duterte. Pangalawa, walang pahayag ang Makabayan bloc noong Setyembre 2023 na nagtutulak kami ng impeachment ; sa katunayan may pahayag pa nga kami noong Agosto at Nobyembre 2023, na nagsasabi na napaaga ang paggamit sa impeachment.”

Sa kanyang statement noong Agosto 2023, hinimok ng teacher solon na ang pagtuunan ng pansin ay ang kritikal na isyu tulad ng P125 milyon confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2022.

“We must focus on the facts first and ask for accountability. Talks of impeachment are premature,” ani Castro

Binigyang-diin ni Rep. Castro ang mga sumusunod na katotohanan:

  1. Ang 2022 General Appropriations Act (GAA) ay walang alokasyon para sa confidential funds nf OVP. Ang badyet ay inihanda ni dating Pangulong Duterte at pinagtibay ng Kongreso noong 2021, nang walang hiniling na confidential fund para sa OVP noong panahong iyon.
  2. Ang 2022 annual audit report ng Commission on Audit ng OVP ay nagsiwalat ng karagdagang allotment na P125 milyon para sa confidential expenses sa ikalawang semestre ng 2022.3.
  3. Kinukumpirma ng 2024 National Expenditure Program na ang halagang ito ay ikinomit ng OVP para sa confidential expenses noong 2022.
  4. Ayon sa Seksyon 83 ng GAA 2022, ang confidential funds ay tumutukoy sa mga gastos na nauugnay sa mga aktibidad sa paniniktik sa mga ahensya ng gobyernong sibilyan.
  5. Tinukoy ng COA-DBM-DILG-GCG-DND Joint Circular 2015-01 na ang mga ahensya lamang ang hayagang nagbigay ng alokasyon ng badyet para sa mga confidential fund ang may karapatan sa kanila. Walang ganoong alokasyon ang OVP sa 2022 GAA.
  6. Ang paglilipat at paggastos ng P125 milyon para sa confidential expenses ng OVP ay ilegal dahil hindi ito karapat-dapat sa naturang pondo noong 2022.
  7. Ang paggasta ng OVP sa ilalim ng pagkukunwaring confidential expenses ay walang legal na batayan, na nangangailangan ng paglilinaw mula kay VP Duterte sa paggasta ng Php125 milyon nang walang pahintulot ng Kongreso.

Hinihiling aniya ng mga kongresista na ang OVP ay magbigay ng isang detalyadong pampublikong accounting kung paano ginastos ang Php 125 milyon.

Inaasahan nila na gagamitin ni  Duterte ang pagdinig ng badyet ng OVP upang personal na linawin ang kanyang posisyon sa sensitibong isyu na ito, ngunit ginamit lamang niya ang taktikang pusit upang iwasang sumagot at i-boycott pa ang pagdinig kahapon, giit ni Castro.

Nananatili aniyang determinado ang Makabayan bloc sa kanilang paninindigan laban sa illegal na paggamit ng confidential funds ng Bise Presidente, na ngayon ay suportado ng mga natuklasan ng Commission on Audit.

Binigyan diin  ni Castro na ang pag-alis ng confidential fund mula sa badyet ng Office of the Vice President ay parehong lehitimo at kinakailangan.

“We will continue to explore all legal avenues, including impeachment, to address any abuse of power and resources,” pagtiyak ni Castro.

“We urge our fellow legislators and the public to remain vigilant and demand transparency in government transactions. It is our collective duty to uphold the integrity of our institutions and to ensure that public funds are used judiciously and responsibly. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *