đˇScreenshot ng dossier ni Guo Hua Ping mula sa encrypted file ni self-confessed Chinese spy She Zhijiang | Al Jazeera
NANAWAGAN ang isang self-confessed Chinese spy kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na umamin na isa rin siyang espiya ng Beijing at isiwalat ang katotohanan upang makaligtas sa kamatayan ang alkalde.
âGuo Huaping, China cannot be trusted. The two of us once dedicated our lives to Chinaâs Ministry of State Security. Look at what happened to me. If you donât want to be eliminated, you should tell the world the truth,â sabi ng gambling kingpin na si She Zhijiang sa esklusibong panayam ng 101 East news na inilabas sa Al Jazeera YouTube channel
Si She, 43, ay isang naturalized Cambodian national na ipinanganak sa China at may mga  property at gaming ventures sa Myanmar, Cambodia at Pilipinas.
Si She ay nakapiit sa Thailand mula pa noong 2022 bunsod ng mga kasong kriminal sa United Kingdom at China.
Sumikat si She bilang bilyonaryong negosyante na nasa likod  ng Yatai International Holding Group, na may $15-B special economic zone project sa isang high tech city sa Myanmar na nasa estratehikong lokasyon sa hangganan ng Thailand at Myanmar.
Kinasuhan si She ng UK dahil sa pagkakasangkot sa illegal online gaming operations na umanoây sangkot sa human trafficking at forced labor.
Inamin niya na-recruit siyang maging espiya para sa Ministry of State Security ng China habang siyaây nasa Pilipinas noong 2016.
Hindi niya tinukoy kung sino ang nag-recruit sa kanya pero may naitago siyang encrypted files sa Yatai City.
Ipinagkatiwala ni She ang pagbubukas ng kanyang encrypted files sa isang naging kaibigan niya sa bilangguan sa Thailand na nakalaya na, si Huang Fu Gui
Sa panayam ng 101 East kay Huang ay ipinakita niya ang dossier tungkol kay Guo Hua Ping o mas kilala sa Pilipinas bilang si Alice Guo.
Kinompirma ni She na matagal na niyang kakilala at nakakausap si Guo at sa katunayan ay dati itong nanghingi ng pondo para sa political campaign sa Pilipinas ngunit hindi niya pinagbigyan
âI used âmy handlerâsâ mobile phone to speak to Guo Huaping from the Philippines,â ani She.
âI really didnât want to offend the government of the Philippines so I didnât give her any money,â sabi ni She.
Sa kabila ng paggiiit ni Guo na sa Pilipinas siya ipinanganak, nakasaad sa dossier na isinilang siya sa Fujian, China at ang kanyang ina ay ang Chinese citizen na si Lin Wenyi.
Nang pinuntahan ng 101 East researcher ang address ni Guo sa Fujian, ito palaây local office ng Chinese Communist Party.
Maging ang mga nakatira sa paligid ng nasabing address ay tinukoy si Guo bilang anak ni Li Wen Yin na tumira sa lugar hanggang huling bahagi ng taong 2002.
Naniniwala si She na kaya siya kinasuhan ng Chinese government ay dahil sa pagtanggi niyang umalis ng Myanmar at lumipat ng Taiwan, upang maging bahagi ng united front activities ng Chinese Communist Party at marami rin siyang nalalaman na âstate secretsâ kabilang ang lihim ni Guo.
Noong Agosto 2022 ay dinakip siya ng mga awtoridad ng Thailand sa bisa ng Interpol Red Notice batay sa kasong isinampa laban sa kanya ng Beijing na ârunning a casino.â
Nilalabanan ni She ang extradition request ng China sa Thailand sa pangambang  itumba siya sa kanyang sariling bansa.
Kapansin-pansin na pareho ang modus ng naging operasyon nina She at Guo, mga sugalan, casino o POGO hubs, na sabit sa massive human trafficking , online scams at money laundering.
Kung si Guermantes Lailari, isang international relations expert, ang tatanungin ay hindi maluluklok si Guo bilang mayor ng Bamban, Tarlac kung walang basbas ng Chinese government o wala siyang direktang koneksyon sa Chinese Communist Party.
âMy opinion she is ethnically Chinese in the Philippines. The Chinese government as I mentioned before tries to control ethnic Chinese all around the world so they have spies in those communities and people donât get to powerful positions without the express permission of the Chinese government and so therefore I would argue that thereâs a high likelihood that she is directly connected to the Communist Party of China . and she would not have gotten into a powerful public position without their support,â sabi ni Lailari sa panayam sa Taiwan Talks.
She-Guo-Yang-Duterte-China connection
Sa umuusad na imbestigasyon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, isiniwalat ang koneksyon ni Guo kay Michael Yang, economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Iniugnay si Yang sa operasyon ng illegal drugs, Pharmally anomaly at illegal POGO, at ang nadakip na kanyang kuya na si Yang Jianxin ay umamin na pineke niya ang kanyang Filipino citizenship upang makapagtayo ng mga negosyo sa Pilipinas, gaya rin ng modus nina Guo at She.
Noong 7 Setyembre 2021 ay inihayag ni nooây Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang ang kanyang enkargado sa pro-China policy.
Inamin ito ni Duterte  sa national convention ng PDP-Laban na ginanap sa Laus Group Event Centre, San Fernando City, Pampanga.
âAng key diyan si Yang. Yang is known to me, I admit it. And it was Yang whom I requested to do to lay — to do the — lay the ground or do the legwork of my going to China and getting into a new deal and a new relations because of — iyong foreign policy ko nag-neutral ako para makagalaw ako sa ibang… Kasi had I, you know, you stick with America, then limitado ka because they would not enjoy you doing business,â sabi niya.
Kinompirma rin ni Duterte na si Yang ang naging pagador kaya nasungkit ng Pharmally Pharmaceutical Corporation ang kontrata ng P10 bilyong halaga ng medical supplies mula sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).
âYou know, âyung personality, the juridical personality ng kompanya is actually of no moment to us. If itâs a foreign corporation, itâs a foreign corporation doing business through a middleman here, eh âdi wala — iyan ang paraan eh,â anang Pangulo.
âWala naman si Michael Yang. He has no manufacturing factory in Davao. Ganoon âyan. Walang record âyan. Hindi kriminal âyan. Iyan ang gusto kong malaman ninyo na,â dagdag niya.
Mula nang ilabas ng Commission on Audit (COA) ang 2020 report na pinuna ang dispalinghadong paggasta ng Department of Health (DOH) sa P42-B CoVid-19 response fund na ipinasa sa PS-DBM ay naging bisyo ni Duterte noong 2021 na batikusin ang COA, maging ang Senado, na nag-iimbestiga sa overpriced medical supplies contract ng Pharmally.
Kung si Yang ay direktang tulay ni Duterte sa Beijing at konektado rin siya kay Guo, at si She ay sinabing kasamahan niyang Chinese spy si Guo, may posibilidad kaya na silang lahat ay mga ahente ng China?
At kung âahenteâ ng Beijing si Duterte, may kaugnayan kaya ang pinalakas na agresyon ng China laban sa Pilipinas sa West Philippine Sea sa mga  panawagan na ma-impeach si Vice President Sara Duterte sanhi ng paglustay sa P125-M confidential funds at DepEd funds at pagtangging sumagot sa Kongreso? (ROSE NOVENARIO)