Fri. Nov 1st, 2024

📷Sta Rosa Rep. Dan Fernandez

 

HINIMOK ng house quad committee leaders si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na sagutin ang mga tanong ng publiko matapos susugan ni retired Police Lt. Col. Jovie Espenido ang ibinunyag ni Kerwin Espinosa na inutusan sila ng senador na idawit si noo’y Senator Leila de Lima sa kalakalan ng illegal drugs.

Nakahanda ang quad comm na pakinggan ang panig ni Dela Rosa, ayon kay Sta Rosa Rep. Dan Fernandez, co-chairman ng quad comm.

“Syempre ang burden ngayon na kay Senator Bato na. Eh kasi nga nagsalita si Espenido,” ani Fernandez.

Kaugnay nito, nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairperson ng quad comm kay Dela Rosa na linawin ang isyu lalo na’t may mga testigong humarap sa komite na inutusan sila ng senador na noo’y PNP chief, na mag-imbento ng mga akusasyon laban kay De Lima at iba pang opisyal.

“Lumalabas na parang trumped-up charges… finabricate ‘yung mga kaso laban sa mga nakasuhan ng droga tulad ni Senator Leila de Lima,” paliwanag ni Barbers.

Maaari aniyang parejong taktika ang ginamit laban sa ibang lokal na opisyal, kabilang ang mga alkalde na inakusahang high-value targets at kalauna’y pinatay.

Binawi lahat ni Espenido sa quad comm hearing ang mga pahayag niya laban kay De lima noong 2016 na tumugma sa naging pahayag kamakailan ni Espinosa sa komite na pinilit siya ni Dela Rosa na iugnay ang senadora sa operasyon ng illegal drugs. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *