Fri. Nov 1st, 2024

ILANG piskal ang nakatanggap din ng reward money, hindi lang mga pulis, sa ipinatupad na madugong drug war ng rehimeng Duterte.

Sinabi ito ni Manila Rep. Benny Abante sa panayam sa programang Facts First with Christian Esguerra kagabi.

Natanggap ni Abante ang impormasyon mula sa isang abogado na tumawag sa kanya.

“We were told that there are certain prosecutors have also been given reward money, gusto naming makita, malaman yan. Meron nagsabi sa akin na isang abogado, I cannot anymore reveal the name,” sabi ni Abante, chairman ng House Committee on Human Rights.

Ang papel aniya ng mga piskal ay tumanggap ng pabuya kapalit ng pagbasura sa kaso ng mga pulis na sangkot sa pagpatay sa drug suspects.

“Sapagkat the policemen will no longer be charged of any crime at all. Wala ng charges even though may nagdemanda na sa kanila, yet the prosecutors just dismissed them outright,” ani Abante.

Nangako aniya ang kanyang impormante na aalamin ang mga pangalan ng mga piskal na tumanggap ng reward money at ipaalam sa House quad committee upang maimbestigahan.

“If he can give us the names, ipatatawag namin. Ngayon lang naming nalaman yan eh, pulis, pati pala sa prosecutors,” wika ni Abante.

Kaugnay nito, naniniwala si Abante na hindi na ‘kakanta’ pa si ret. Col. Edilberto Leonardo sa nalalaman niya sa drug war sa takot na mapahamak ang kanyang pamilya.

“Meron siyang reservation dito sapagkat yung kanyang iniisip ay yung kanyang pamilya Sinabi niya sa amin na natatakot siya sa mangyayari sa kanyang mga anak, kumbaga napipigilan siya because of that,” ayon kay Abante.

Ang mahalaga aniya ay kinompirma ni Leonardo ang pahayag ni ret. Col. Royina Garma na ipinatupad ang Davao model reward system sa Duterte drug war.

“Well sabi ko sa kanya kung sasabihin mo lang sa amin by yes or no, tinatanggap mo lahat ang salaysay ni Garma at by yes or no naman tinatanggap mo na may reward system, that’s ok with us, you don’t need to explain further,” ani Abante.

“Ok na sa amin yun, at least nakuha naming yung sagot niyang positive na talagang may reward system, positive na talagang totoo ang sinasabi ni Garma.”

Ipatatawag ng quad comm sina Peter Parungo at Moking Espino, malapit na tauhan ni Sen. Bong Go,  mga umano’y dinaanan ng perang ibinayad na pabuya sa mga pulis na nakapatay ng drug suspects na nagkahalaga ng mula P20,000 hanggang isang milyong piso. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *