Sun. Nov 24th, 2024

📷Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. 

BALAK ng House Committee on Good Government and Public Accountability na samapahan ng kasong plunder si Vice President Sara Duterte kapag hindi niya mabigyan katwiran ang P112.5 milyon na confidential funds na ginamit sa kanyang termino bilang Education Secretary.

Sinabi ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. na kung hindi makapagbigay ng malinaw at sapat na paliwanag si Duterte sa paggamit ng pondo, may tungkulin ang komite na isulong ang mga kinakailangang legal na aksyon.

“Pera ito ng taumbayan, at kailangan nating tiyakin na ito ay nagamit ng tama,” sabi ni Gonzales.

“Kung hindi maipaliwanag ang paggamit ng P112.5 million, we may no choice but to consider recommending the filing of a plunder case,” dagdag niya.

Nagsimula ang imbestigasyon nang ang tatlong tseke, bawat isa ay nagkakahalaga ng P37.5 milyon, ay inisyu bilang cash advance sa DepEd.

Sa isang kamakailang pagdinig, kinuwestiyon ni Gonzales  ang tunay na layunin ng mga pondo na klasipikado bilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa halip na confidential funds.

Kinumpirma ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla ang pag-iisyu ng mga tseke at ipinaliwanag na ang kanyang tungkulin ay limitado sa pagproseso ng disbursement at walang kapangyarihan ang kanyang tanggapan na pangasiwaan ang pinal na paggamit ng pondo.

Sinusuri ng komite ang mga pagkakaiba sa pananalaping ito bilang bahagi ng isang patuloy na pagsisiyasat. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *