Fri. Nov 1st, 2024

📷 Ronnel Arambulo, PAMALAKAYA Vice Chairperson

 

HIGIT pa sa pagkilala sa katatagan ng mga bulnerableng sektor sa mga natural na kalamidad, ang taumbayan ay nangangailangan ng pananagutan at maagap na mga hakbang mula sa pamahalaan upang mabawasan ang panganib sa sakuna,

Pahayag ito ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) bilang tugon sa papuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.sa kakayahang umangkop ng mga lokal na pamahalaan sa pananalasa ng Tropical Storm Kristine.

“Hindi dapat gamitin ang resiliency para pagtakpan ang kapabayaan ng mga nanunungkulan sa mga biktima ng kalamidad. Totoong matatag at may kakayahang umangkop ang mga ordinaryong tao sa mapaminsalang pagbabago ng klima subalit hindi ito nangangahulugan na wala ng pananagutan ang pamahalaan at ang mga salarin sa pagkasira ng kalikasan.

Hindi sapat ang pagkilala sa kakayahan naming umangkop, kailangang ipaliwanag ni Pangulong Marcos Jr. kung anong nangyari sa flood control projects na ginastusan ng bilyun-bilyong piso. Gusto naming marinig kung ano ang hakbang ng administrasyon sa mga mapaminsalang proyekto sa kapaligiran tulad ng malakihang pagmimina, quarrying, at reklamasyon na nagpapalala ng pagbaha,” sabi ni Ronnel Arambulo, PAMALAKAYA Vice Chairperson sa isang kalatas.

Ayon sa PAMALAKAYA umabot sa mahigit 30, 000 fishing families sa siyam na coastal towns ang naapektuhan ng bagyo dulot ng malalakas na alon na nakikita nilang sanhi ng  kagagawa were affected by the tropical storm. The fishers’ group said that the “stronger-than-normal” waves in coastal communities are mainly caused by the seabed quarrying carried out in several areas in Manila Bay.

“Dahil sa mga nagpapatuloy na seabed quarrying at reklamasyon, mas lalong nagiging bulnerable sa malalakas na alon ang mga pamilyang naninirahan sa baybayin ng Manila Bay. Epektibong sinira ng mga proyektong reklamasyon ang malalawak na bakawan (mangroves) na nagsisilbing proteksyon ng mga komunidad sa hampas ng alon at pag-apaw ng tubig.

Hanggang ngayon ay wala pang malinaw na desisyon ang administrasyong Marcos Jr. kung ipapatigil ang reklamasyon na banta hindi lamang sa kabuhayan ng mga mangingisda, kundi maging sa kapaligiran at kaligtasan ng publiko mula sa kalamidad,” ani Arambulo.

Maglulunsad ng kilos-protresta ang grupo mangingisda, kasama ang iba’t ibang progresibong organisasyong pangkalikasan sa mga susunod na araw para humingi ng pananagutan at sapat na kabayaran mula sa administrasyong Marcos Jr. sa gitna ng sunud-sunod na mga bagyo. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *