📷House Quad Committee chairperson Robert Ace Barbers
“Meron kaming inihahandang progress report na kung saan ‘yung aming mga output o ‘yung produkto nitong ating ginawang 12 hearings sa QuadComm ay mare-report na namin sa taumbayan.”
Inihayag ito ni House Quad Committee chairperson Robert Ace Barbers sa panayam sa dzBB.
Sa nakalipas na 12 pagdinig ng QuadComm mula noong Agosto, may 18 panukalang batas na ang nabalangkas aniya bilang ‘remedial measures’ para matatagin ang mga patakatran at maiwasan na mangyari muli ang mga kahalintulad na krimen.
“Isa sa lalabas sa aming recommendation ay ‘yung kung meron bang pananagutan ang mga taong gobyerno sa mga tiwaling nangyari o doon sa mga anomalyang nangyari,” sabi ni Barbers.
“‘Yung teorya namin na merong kinalaman ‘yung droga doon sa illegal POGO operations at doon sa paglo-launder ng pera, eh ‘yan ang aming papatibayan.”
Nakatakda ang susunod na QuadComm hearing sa Huwebes, Disyembre 12 at magpapatuloy sa pagbabalik ng session sa Enero 2025. (ZIA LUNA)