Wed. Jan 8th, 2025

📷Bayan Chairperson at Makabayan senatorial candidate Teddy Casiño

 

“IF he were true to his name, Malaya should free himself of his loyalty to the Dutertes or Marcoses. He should shut up and allow Congress to decide on the fate of our impeachment complaint.”

Buwelta ito ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Chairperson at Makabayan Coalition senatorial bet Teddy Casiño sa pahayag ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na isang “political opportunism” ang panawagan ng Makabayan na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

“Makabayan’s call for impeachment left and right… very clearly, it is political opportunism and political mileage,” sabi ni Malaya sa isang press briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City kahapon.

Si Malaya ay nagsilbing assistant secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong rehimeng Duterte at itinalagang ADG sa NSC sa kasalukuyang administrasyong Marcos Jr.

“If we were opportunistic, sisipsip na lang kami sa mga Marcos at Duterte then laugh all the way to electoral victory or to cushy posts like Malaya’s,” giit ng Makabayan senatorial bet.

Paliwanag ni Casiño malaki ang pagkakamali ni Malaya sa kanyang pananaw na ang Makabayan Coalition ay sangkot sa “political opportunism” sa pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Duterte.

Giit ni Casiño, kailan pa naging oportunistiko o may pakinabang ang pagpapanagot sa mga Duterte sa kanilang mga maling gawain?

“On the contrary, doing so makes us the subject of malicious intrigue, social media bashing, political persecution and even extrajudicial killing by their family, trolls and rabid supporters, “ anang Makabayan senatorial bet.

Sa katunayan aniya, ang pag-impeach sa isang makapangyarihan at mapaghiganting bise presidente tulad ni Sara Duterte ay isang malaking pasanin na walang pakinabang sa Makabayan at inilalagay pa ang kanilang buhay at reputasyon sa panganib.

Ayon kay Casiño, dapat ipaalala sa mga opisyal ng gobyerno ,gaya ni Malaya, na sila ay may pananagutan sa mga tao sa lahat ng oras.

Ito aniya ang dahilan kung bakit itinatadhana ng Konstitusyon ang impeachment bilang isang paraan ng pananagutan para sa pinakamataas at pinakamakapangyarihang opisyal ng lupain.

“Kung mamasamain ang impeachment, bakit pa tayo naglagay ng mga limitasyon at batas na nagpapanagot sa katiwalian sa gobyerno?” tanong ni Casiño.

Ang kabalintunaan aniya ng pahayag ni Malaya ay tila hindi niya iniisip ang pandarambong ni VP Duterte ng confidential fund, na dapat gamitin para sa mga aktibidad sa seguridad at paniktik.

Dapat pa nga aniya na si Malaya ang unang magalit sa paglustay nito dahil maaaring gamitin ng NSC ang lahat ng nasayang na pondo upang palakasin ang mga aktibidad na may kaugnayan sa West Philippine Sea. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *