KARAPATAN SA PAGGUNITA SA PANDIGDIGANG ARAW PARA SA KARAPATANG PANTAO SA DISYEMBRE 10
DAPAT PAREHONG PANAGUTIN sina Rodrigo Duterte at Ferdinand Marcos Jr. sa bawat buhay na kinitil, bawat biktima ng sapilitang pagkawala, bawat nabilanggo nang walang kasalanan, bawat pinaghinalaang adik o pusher na pinaslang. Dapat ding panagutin ang mga berdugong naging sunud-sunuran sa buktot na utos ng kanilang mga amo.
DAPAT PANAGUTIN ang imperyalismong US, na siyang nagdidisenyo at nagpopondo sa mga madugong pakanang ito. Sadyang sinusuhayan ng US ang mga rehimeng sunud-sunuran sa mga patakarang pabor sa mga imperyalista at sumusupil sa karapatan ng mamamayang lumaban at maghimagsik sa mga mapanupil na papet na ito.
HUWAG NATING IASA lamang sa eleksyon ang sagot sa inaasam nating katarungan at pagpapanagot. Mapa-Duterte man o mapa-Marcos ang manaig sa halalan, pareho silang may utang na dugo sa mamamayan. Sila at iba pang mga angkan ng bulok na pulitiko ang magwawagi sa bilangan. Mismong mga retiradong berdugong pulis at militar ay kumakasangkapan sa eleksyon para makapanatili sa poder at umiwas sa pananagutan. Iilan lamang sa mga makabayang kandidato ang nakakalusot sa halalang kontrolado ng mga makapangyarihan, at ang karamihan ay dinadaya, nire-redtag at hinaharas, kundi man pinapatay o sinasampahan ng gawa-gawang kaso.
SA DETERMINADO AT SAMA-SAMANG pagkilos natin mapananagot ang mga pasista at makakamit ang katarungan.
🗓️ Disyembre 10- Pandaigdigang Araw para sa Karapatang Pantao
Marcos, Duterte, walang pinag-iba!
Marcos singilin, Duterte panagutin!