“Sorry, we do not need your forgiveness. What we need is justice and for you to be impeached. Isoli mo ang pera ng bayan.”
Buwelta ito ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro sa aniya’y mapagkunwaring paninindigan sa pagpapatawad ni Vice President Sara Duterte.
Matinding kontradiksyon aniya ang itinuro ng pahayag ni Duterte sa pagitan ng pagsasabi na ang sambayanang Pilipino ay dapat na magpatawad habang lantarang idineklara ang kanyang pagtanggi na magpatawad sa iba.
“The Vice President’s statement perfectly illustrates her double standards. In a sense, she wants the Filipino people to forgive the hundreds of millions in questionable confidential funds under her office, yet she herself proudly declares she won’t forgive those who exposed these irregularities,” sabi ni Castro.
“So ang gusto nya ay patawarin sya sa daang milyong piso na di nya tamang ginanit na pera ng bayan pero sya ay maghihiganti sa mga kumalaban sa kanya at naglantad sa ginawa niyang ito,” giit ni Castro.
Binigyang-diin ng House Deputy Minority Leader na ang isyu ay hindi tungkol sa pagpapatawad kundi pananagutan.
“The Vice President cannot simply dismiss legitimate questions about confidential funds by talking about forgiveness. The Filipino people deserve transparency and accountability, not emotional manipulation,” anang teacher-solon.
Ipinunto pa ni Castro na dapat managot ang mga pampublikong opisyal sa kanilang mga aksyon, lalo na tungkol sa paggamit ng pondo ng bayan.
“This administration cannot hide behind religious sentiments while avoiding accountability. The people’s money is not anyone’s personal fund to spend without explanation,” wika ni Castro.
Napaulat na magsasagawa ng rally ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo bilang pagsuporta sa mensahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya pabor sa impeachment laban kay Duterte dahil walang maitutulong ito sa buhay ng pangkaraniwang Pinoy.
Inihain kahapon ng 72 kinatawan ng iba’t ibang progresibong grupo at inendorso ng Makabayan bloc ang ikalawang impeachment complaint laban kay VP Duterte bunsod ng betrayal of public trust nang “ winaldas” niya ang P612.5 million na confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
Noong Lunes ay nagsampa ng unang impeachment complaint ang mga kinatawan ng mga grupong Mamamayang Liberal, Akbayan, Magdalo at iba pa na inendorso ni Akbayan Partylist Rep. Percival Cendaña. (ROSE NOVENARIO)