NANINIWALA ang pamilya ng pulis na natagpuang pinagpuputol ang katawan na may kasabwat ang mag-asawang pulis na umaming pumatay kay PEMS Emmanuel de Asis.
Nilinaw ng anak ng biktima na si Police Cpt. Peter De Asis, hindi totoo ang extrajudicial confession ng mag-asawang pulis sa naging motibo ng pagpaslang nila sa biktima.
Kombinsido ang anak na may iba pang kasabwat ang mag-asawang pulis na nauna nang sumuko noong Disyembre 4.
Nabatid sa ulat na sumurender sa mga awtoridad ang mag-asawang sina Police Lieutenant Colonel (PLTCOL) Roderick Tawanna Pascua at PEMS Rosemarie Pascua.
“For the past few days, there was malicious news spreading that my father and a certain demonic woman were caught in the act of sexual activity that resulted in the shooting of my father committed by her demonic husband,” ayon sa Facebook post ni Cpt. De Asis.
“This report was merely basely on the ‘FALSE’ extrajudicial confession made by these two demonic individuals who killed my father,” dagdag niya.
Giit niya, planado ang pagpatay sa kanyang ama noon pang Marso oras na pumunta ito sa Metro Manila.
Sa Puerto Princesa, Palawan nakabase ang biktima at sinasabing dumalo sa isang convention sa Taguig noong huling linggo ng Nobyembre.
“It was a setup that started with a forcible abduction, and merciless tortures that resulted in the tragic death of my father,” giit niya.
“We will seek justice in the bounds of the law. I will use all my training and skills as a qualified special forces operator to hunt all of you. My whole family will not stop on this until you are all inside the prison cell,” sabi ni Capt De Asis. (ZIA LUNA)