Wed. Dec 18th, 2024

📷Bayan Chairperson at dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño

 

ISANG mahigpit na babala sa red taggers ang legal na tagumpay ng mamamahayag na si Atom Araullo laban kina Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz at isang welcome development sa sa paglaban sa fake news, disinformation at hate speech.

“Journalist Atom Araullo’s legal victory against his red taggers Lorraine Badoy and Jeffrey Celiz is a welcome development in the fight against fake news, disinformation and hate speech,” ayon kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Chairperson at dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño.

“It is a stern warning to other red taggers to stop endangering the life, reputation, security, and well-being of their victims,” dagdag niya.

Taos-puso aniyang sumasang-ayon ang Bayan sa desisyon ni Quezon City Regional Trial Court Branch 306 Judge Dolly-Rose Bolante Prado para kina Badoy at Celiz na magbayad kay Araullo ng P2.080 milyon bilang danyos at bayad sa mga abogado upang mabayaran ang mga nakakapinsalang epekto ng kanilang mga pampublikong pahayag sa personal na buhay at karera ni Araullo.

Nakasaad aniya sa desisyon, ang red tagging ay likas na mapanirang-puri at malisyoso, isang pag-abuso sa karapatan sa malayang pananalita, at nakakapinsala sa biktima nito kaya dapat parusahan ang mga red tagger tulad nina Badoy at Celiz para sa kanilang mga gawi at magbayad kay Araullo ng danyos.

“As the ruling correctly points out, red tagging is inherently defamatory and malicious, an abuse of the right to free speech, and damaging to its victim. Thus red taggers like Badoy and Celiz should be sanctioned for their acts and pay Araullo nominal, moral and exemplary damages,” giit ni Casiño.

Sinabi ni Casiño na bilang isang nagrereklamo rin laban kina Badoy at Celiz at humihiling rin na magbayad sila ng pinsala, ang tagumpay ni Araullo ay magandang balita.

“It sets a powerful precedent for deciding existing and future cases.”

Giit niya nawa’y magsilbing aral at babala ang tagumpay ni Araullo sa sinumang maglakas-loob na magbanta sa buhay, kalayaan at seguridad ng iba sa kabila ng mali at mapang-abusong red tagging. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *