Wed. Dec 18th, 2024

📷Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop

 

SENTRO ng isang ‘grand criminal enterprise’ si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop.

Lumilitaw aniya sa 12 pagdinig ng House Quad Committee na ang ipinatupad na drug war ng administrasyong Duterte ay ginamit umano upang protektahan ang malalaking personalidad na sangkot sa illegal drug trade habang inaalis ang kompetisyon.

Tinukoy ni Acop ang naging testimonya ni dating police Col. Eduardo Acierto na nagdawit kina Duterte, Sen. Christopher “Bong” Go, at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa agprotekat sa iligal na droga sa bansa.

Nagsilbing instrumento aniya ang drug war para sa pagyaman ng iilan kapalit ng 30,000 buhay na nawala sa madugong kampanya ng nakaraang administrasyon.

Tiniyak ni Acop na itutuloy ng QuadComm ang malalimang imbestigasyon at isusulong ang mga reporma sa lehislatibo upang hindi na maulit ang naturang pang-aabuso at iba pang krimen na kaakibat nito. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *