Na-tsugi nga ba ang estranged couple John Estrada at Priscilla Meirelles sa listahan ng endorsers ng isang pamosong longevity and wellness company?
Ang Villa Medica, isang prominenteng kumpanya sa larangan ng longevity at wellness, ay tila nagtakda ng mataas na pamantayan sa pagpili ng kanilang endorser.
Sa kabila ng kanilang kasikatan, ang estranged couple ay no-show na sa mga aktibidad ng endorsers na kinabibilangan nina Korina Sanchez-Roxas, Ruffa Gutierrez, Cristina Ronzales-Romualdez at mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero.
Nagiging usap-usapan ang kanilang pagkawala mula sa roster ng celebrity endorsers ng Villa Medica, lalo na nang hindi sila makita sa Christmas dinner kamakailan para sa endorsers.
Naging tampok sa social media ang mga larawan ng iba pang endorsers sa pagtitipon, at wala nga ang dating mag-asawa.
Ito ay isang malaking pagbabago mula sa nakaraang taon na aktibo pa nilang pinromote ang wellness facility, kasama na ang kanilang pagdalo sa mga high-profile Formula 1 events sa Singapore.
Ang biglaang pag-alis ng o pagkaka-alis sa mag-asawa ay nagbibigay-diin sa mga katanungan: Naiwan ba sila dahil sa mga kontrobersyal na isyu sa kanilang relasyon? O hindi lang talaga sila available para sa mga kamakailang promotional events?
Anuman ang tunay na dahilan, tiyak na sayang kung mawawala ang kanilang kontrata sa Villa Medica—isang kumpanya na madaling makaaakit ng ibang mga talent na may mas malinis at walang kapintasan na reputasyon.
Ang sitwasyong ito ay naglalarawan ng maselang balanse sa pagitan ng personal na buhay at propesyonal na endorsements sa mundo ng showbiz. (ZIA LUNA)