Sat. Aug 8th, 2026

SUMUKO sa National Bureau of Investigation ang live-in partner ng doktorang natagpuang patay sa loob ng sa isang kotse sa Naga City.

Ang lalaki ang tinaguriang person of interest sa pagpatay kay Dr. Rajean Monnette Romualde, 36-anyos, dahil siya ang nakitang huling kasama ng doktora bago ito natagpuang wala ng buhay sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Batay sa ulat, kasama ng live-in partner ni Romualdez ang kanyang pamilya nang sumurender sa mga awtoridad.

Nasa kustodiya siya ng NBI habang umuusad ang imbestigasyon ng kaso.

Humarap siya sa media ngunit tumangging magsalita dahil wala pa ang kanyang abogado.

Matatandaan nakita ang bangkay ni Romualdez sa loob ng nakaraparadang sasakyan sa residential village sa Barangay Concepcion Pequeña malapit sa Bicol Medical Center. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *