SINAMPAHAN ng P2-M kasong sibil ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) chairperson Teddy Casiño sina Lorraine Badoy-Partosa at Jeffrey Celiz dahil sa ilang taon nang pag-uugnay sa kanya sa terorismo at rebelyon.
Nauna nang inasunto ng mag-inang sina Carol at Atom Araullo sina Celiz at Badoy-Partoza bunsod din ng pag-red-tagged sa kanila.
“This legal action is long overdue. Since 2020, these two characters, aided and abetted by the NTF-ELCAC, have been falsely, maliciously, and repeatedly accusing me of being involved in terrorism, rebellion and other crimes as a supposed high ranking official of the CPP-NPA-NDFP. They have been constantly spewing lies, aspersions, inciting ridicule and hate against me, my family, my fellow activists and our legitimate political beliefs and activities.,” sabi ni Casiño sa isang kalatas.
Nasaksihan aniya sa pagdinig sa Kongreso, kaugnay sa paglabag ng SMNI sa prangkisa nito,ang mga halimbawa ng mga kasinungalingan at maling paratang nina Celiz at Badoy-Partoza.
“Pero wala yan sa kalingkingan ng mga nararanasan ko at iba pang aktibista sa kanilang daily TV show at social media platforms. May punto pang pati ang pag-uwi ko sa aming probinsya ay binigyan ng malisya. Ang mga kasinungalingan at maling paratang ay pini-pick up ng kanilang mga bayarang trolls at fake accounts sa pagkakalat ng hate speech at death threats,” aniya.
“As a leftist activist, I have been called many things by my detractors. But to be falsely and repeatedly accused of being a high ranking official of an organization arbitrarily designated by the Anti Terrorism Council (ATC) as a terrorist organization, and accused of orchestrating the death of thousands and the destruction of the country, is just too much. Add to that their false accusations and outright lies attacking me and my family’s reputation and integrity that I have built and protected all these years,” dagdag niya.
Tahasang sinabi ni Casiño na ang ginawa niyang legal na hakbang laban kina Celiz at Badoy-Partoza ay para rin sa kapakanan ng ibang biktima ng araw-araw na biktima ng SMNI at ng NTF-ELCAC.
“Ang panre-red tag nina Badoy-Partosa at Celiz ay banta sa aking buhay at kalayaan, nakakasira sa aking reputasyon para sa mga hindi nakakakilala sa akin, at nagdudulot ng matinding pagkadismaya, pagkabalisa, galit, stress, at maraming gabing walang tulog,” sabi ni Casiñ.
“I file this case not only for myself but for the sake of countless other activists and ordinary citizens who are being victimized on a daily basis by SMNI and the NTF-ELCAC.
Kailangan nang matigil ito. Kailangan managot sina Badoy, Celiz at mga tulad nilang red tagger sa mga kasinungalingan at paninirang ginagawa nila,” pagtatapos ni Casiño. (ROSE NOVENARIO)