📷: Altermidya
Mariing kinondena ng grupong KAPATID o Families and Friends of Political Prisoners, ang marahas na tugon sa mahigit 600 Persons Deprived of Liberty (PDL), kabilang ang 24 na bilanggong pulitikal, matapos ang kanilang tahimik na protesta para sa makataong pagtrato at batayang karapatan sa Negros Occidental District Jail (NODJ).
Ayon sa ulat ng KAPATID noong gabi ng Agosto 27, isang kargadong baril umano ang itinapon sa loob ng kulungan,isang insidente na nagpapataas ng hinala sa posibleng “setup” upang bigyang-katwiran ang marahas na crackdown.
“To defuse the situation, please suspend the Warden, Crisyrel Awe, pending investigation and heed the appeals of the detainees. That petition issued by all 600 PDLs in the NODJ-Male Dorm is unprecedented and deserves attention, not silence, not violence,” sabi ni Fides Lim, Kapatid spokesperson.
Hinimok ng grupo ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) National Office na agarang tugunan ang sitwasyon, at nanawagan sa Commission on Human Rights (CHR) na magsagawa ng agarang imbestigasyon at magpadala ng monitoring team sa lugar.
“To BJMP chief, Gen. Ruel Rivera: You told us in one dialogue that you don’t want any kind of violence to escalate in jail and prefer to step in to avoid conflict situations. The current standoff at the NODJ endangers lives and further violates the dignity of PDLs, including the 24 political prisoners wrongfully imprisoned on political grounds,” ani Lim.
Kabilang sa mga bilanggong pulitikal si Fr. Francisco Fernandez, 77 taong gulang, na may chronic obstructive pulmonary disease.
“We are very worried for him as he has been very sick and has been hospitalized a number of times since his arrest in March 2018.”
TIMELINE OF EVENTS– AGOSTO 28, 2025
Mula sa ulat ng KAPATID-Negros Chapter*
🕗 8:00 AM**
Bilang tugon sa panliligalig, nagbarikada ang mga PDL sa pasukan ng basketball/volleyball court sa loob ng Male Dormitory gamit ang kahoy at iba pang materyales.
Naglagay sila ng mga plakard na nananawagan sa pagbitiw ni Warden JCInsp. (Atty.) Crisyrel P. Awe.
Namataan ang BJMP STAR Team na nakapuwesto malapit sa lugar.
🕤 9:20 AM
Nagpaputok ang STAR Team ng rubber bullets at naghagis ng tear gas canisters sa mga PDL.
🕤 9:22 AM
Iniulat ng mga detainee ang insidente; wala pang kumpirmadong nasaktan sa oras na ito.
🕤 9:25 AM
Nag-ingay ang mga PDL bilang patuloy na anyo ng protesta.
🕤 9:30 AM**
Muling nagtipon ang mga nagpoprotesta sa basketball court; ilan ang umakyat sa bubong na may nakabalandrang “Oust Awe” na banner.
🕤 9:35 AM
Matapos ang dispersal: Ilang detainee ang tinamaan ng rubber bullets. Marami ang nakita na nagsusuka dahil sa epekto ng tear gas (hindi pa tiyak ang bilang).
🕙 10:00 AM
Iniulat na pinutol ni Warden Awe ang suplay ng kuryente sa dormitoryo ng mga PDL.
Ayon sa KAPATID, ito ay isang anyo ng kolektibong parusa at paglabag sa pandaigdigang pamantayan ng karapatang pantao, kabilang ang UN Mandela Rules na nagbabawal sa pagputol ng pagkain, kuryente, o serbisyong medikal bilang parusa.
KONTEKSTO
Nagsimula ang protesta bilang tahimik na kolektibong pagkilos laban sa lumalalang kalagayan sa NODJ sa ilalim ng pamumuno ni Warden Awe.
Ayon sa KAPATID-Negros, noong gabi ng Agosto 27, tinanggihan ng mga detainee ang kanilang hapunan na anila’y sapat lamang “para sa 6 katao kada selda,” kahit may average na 20 katao kada selda.
Marami sa mga tauhan ng kulungan ang umano’y hindi sang-ayon sa pabagu-bagong utos ni Warden Awe, na tinutuligsa bilang arbitraryo at malabo. Sa tinatayang 80 BJMP staff sa Male Dorm, higit kalahati ang hindi kontento. Tanging isang grupo ng 10 Cebuano-speaking BJMP officers na dinala ni Awe, at ang STAR Team, ang sinasabing sumusuporta sa kanyang pamumuno.
Pinalalala pa ng language barrier ang komunikasyon—karamihan sa mga detainee at staff ay nagsasalita ng Hiligaynon, samantalang si Warden Awe at ang kanyang team ay pangunahing gumagamit ng Cebuano.
Naunang naiulat ang katulad na pang-aabuso sa Dumaguete City Jail sa ilalim din ng pamumuno ni Awe, kung saan nagsagawa ng inspeksyon ang CHR noong Disyembre 2024 na nagbunsod ng limitadong reporma. (ROSE NOVENARIO)