Ni Diego Morra
Sa sangkatutak na banat na inihambalos sa di natapos na proyekto laban sa baha at sa 9,000 reklamo hinggil sa mga ito, tila yata nadidiskaril ang bansa sa wastong pagtantiya sa kalunus-lunos na pambababoy sa pambansang pananalapi. Paano ba nakapangyayari ang 15 mga batikang kontratista ng Department of Public Works and Highways (DPWH)? Ano ang hawak nila sa Department of Budget and Management (DBM) at sa Commission on Audit (COA) na lagi silang namumunini sa kabang-bayan?
Kung tutuusin, ang pagsisiyasat sa usaping ito ay nangangailangang isali si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang mga mismong gumawa ng National Expenditure Program (NEP) na siyang salalayan ng pagwakwak sa taunang General Appropriations Bill (GAB) sa pamamagitan ng bicameral conference committee (BCC) na kinabibilangan din naman ni Senadora Imee Marcos at maging si Senador Bong Go, ang kapita—pitagang mambabatas na nagkaroon pala ng P3 bilyong pambihirang budget na isiniksik para sa kanyang walang-kamatayang “Malasungkit Centers” at iba pang pasilidad na maaari niyang ibandila sa kanyang araw-araw at paulit-ulit na press releases bilang nakakasuyang halimbawa ng “epal journalism” sa Philippine Star at Daily Tribune.
Nakapanlulumo ang mga ulat sa kayamanan ng mga Discaya na may tatlong dambuhalang korporasyon na nakatuon lamang sa DPWH, nagtitiis sa Rolls Royce na may makasiksik na payong sa pinto, tiga-tigalawa ang modelo ng mamamahaling luxury cars, SUVs, pick ups, Lamborghini, Maserati, Ferrari, Bentley at iba pa. Ang ibang kontratista ay nagtitiis din naman sa kanilang mga mansyon sa Malibu, Glendale at ibang lungsod as California. Sa Batangas naman, ang isang kontratista ay dalawa ang magkatapat na mansion at may sarili na ring imperyo sa Romblon. Ang iba ay may kaharian sa Negros Occidental, Cebu at habang ang iba naman, kagaya ng isang kapartido ni Marcos Jr. ay nabuko sa hindi-natapos na proyekto sa gumuhong bahagi ng Kennon Road.
Imposible na nagkamal ng napakalaking kayamanan ng mga kontratistang ito kung hindi sila kabilang sa mismong naglagay ng proyekto sa NEP at ang kalaswaang ay lalo pang lalala sapagkat hindi malilinaw ang mga pagkakagastusan na para bagang “to be completed later on.” Sa pagmamadali ng DPWH at mga kakutsaba, idagdag na ang mga senador at kongresista, ang pinakamadaling Estilo ay gawin halos pare-pareho ang halaga ng proyekto. Hindi rin naman uso sa gobyernong Duterte at Marcos Jr. na magkaroon ng “bidding” sapagkat palaging may “exigency” o di maiiwasang pangyayari upang kanyunin ang bidding kaya “negotiated bids habampanahon. Harangan mo man ng sibat ang mga iyan at sampahan ng mga asunto ay tiyak na may magagawang palusot. “If there is a wheel, there is a way” na ang bagong kasabihan at aanihin ng mga tao ang alikabok habang patungo sa bangko ang maghahati-hati sa pera ng bayan. Naturalmente, Rolls Royce at Bentley ang kanilang sasakyan habang nagdidildil sa caviar.
Hindi marapat na magalit lamang ang mga mamamayan sa lahat ng kontratista sapagkat ang mga tiwali, ayon sa bilang ni Marcos Jr. ay 15 lamang at maaaring sa likod nito ay may higit sa limang dosenang kongresista, yun bang ang tanging gawain sa lehislatura ay gumawa ng batas at hindi punuin ng imbudo ang kanilang mga bulsa. Ito ang mga salarin na alam ang sistema sa paggawa ng taunang GAA, ang mga regular na pinaghihinalaan kung bakit hindi tumataas ang sahod ng manggagawang Pilipino at ang mga prinsipal na dahilan kung bakit baon sa utang ang mga magsasaka habang nauuwi sa kanila Manny Villar ang mga sakahang may patubig, ang lupang ninuno ng mga Ati sa Boracay at pati na rin ang mga lupang para sa repormang agraryo na naglaho na sa estadistika ng Department of Agrarian Reform (DAR.)
Ang sambayanan ay nararapat na lumampas sa pagtingin sa bilyun-bilyong nakulimbat at manapa ay tingnan ang kabubuan ng patuloy na pandarambong na pananagutan ng Malakanyang, lehislatura, DPWH, DBM, COA at iba pang ahensya ng pamahalaan. “Go for the jugular” at iwaksi ang mga talumpati na nalulunod sa “hypocrisy” and “condemnation” of the suspects who were part of the conspiracy to which lawmakers belong. Sa katunayan, ang sambayanan ay dapat na magkaroon ng “oversight” sa paghugis ng taunang GAA upang suriin ang bisyo nga mga mambabatas sa Pilipinas simula pa noong 1920, nang pinauso ang pork barrel ng mga Amerikano.
Ngayon pa lang ay iminumungkahi na isama ang mga pribadong indibidwal sa mga sasampahan ng kasong “plunder” sapagkat ang anumang proyektyo o programa na ginamitan ng kaban ng bayan ay nararapat na panagutan ng mga nasasakdal. Kung ang mga guro at prinsipal na nakukulong sa hindi maipaliwanag na “nawawalng” P50 o P100 mula sa kahat ay nakukulong, bakit ang mga sumira sa mga proyekto sa paggamit ng bulok na materyales at nagbigay pa sa kongresista at senador ay lulusot? Bakit ang mga taga COA at DBM na kumunsinte sa pandurugas at maliligtas sa parusa? Hindi naaaliw ang mamamayan sa “dribs by drabs” na paglalabas ng balita hinggil sa patuloy na pandarambong. Ang sigaw ng bayan ay ang solusyon sa pangungurakot na lalong lumala.
As the players in this drama continue to roll on their crap-ridden sheets, no one among them will be safe from political damnation. If the Dutertes and the Marcoses were really concerned about graft (since it pertains to stealing the people’s money), they deserve no mercy. Mahiya naman kayo, roared Marcos Jr. in his latest SONA that teems with motherhood statements. Why did he exclude himself? He presides over the government that made it happen. He crafts the NEP and all the programs and projects funded by it. Why should the buck stop elsewhere? Remember how Elbert Hubbard described an editor? “EDITOR: A person employed on a newspaper, whose business it is to separate the wheat from the chaff, and to see that the chaff is printed. That’s what we get, the editor in Marcos Jr. But people are no longer taken in by appearances.