Nanawagan ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) kay Senador Panfilo Lacson at sa Senado ng Pilipinas na magpakita ng ganap na transparency kaugnay ng umano’y P100 bilyong halaga ng insertions sa panukalang pambansang badyet para sa 2025.
Sa isang kalatas nitong Lunes, iginiit ng BAYAN na dapat ilantad ni Lacson ang buong detalye ng mga sinasabing kuwestiyonableng alokasyon, sa halip na magbigay ng paunti-unting impormasyon.
“Senator Lacson should not treat this matter as a circus act or a strip tease, dropping hints one day and pulling back the next,” sabi ni BAYAN Chairperson Teddy Casino.
“Our people, already burdened, anxious and angry by the flood control corruption scandals, deserve clarity, not theatrics.”
Hiniling ng grupo sa Senado na agad ilabas ang opisyal na rekord kung sino-sinong senador ang nagpanukala ng insertions, magkano ang halaga, anong ahensya ang sangkot, at ano na ang estado ng mga proyekto.
“If indeed there were senators who funneled pork barrel–style allocations into the budget, the people have the right to know exactly who they are,” dagdag ni Casino.
“Anything less is a betrayal of public trust and a cover-up of wrongdoing. Lahat ng sangkot, dapat managot.”
Binigyang-diin ng BAYAN na ang pambansang badyet ay hindi dapat gamiting kasangkapan ng patronage politics o pabor-pabor sa mga kontratista.
“The budget is the lifeblood of the nation. Every peso wasted on corruption is a peso stolen from education, health, housing, infrastructure, and disaster preparedness,” giit ni Casino.
Ang pahayag ng BAYAN ay kasunod ng lumalawak na galit ng publiko sa mga anomalya sa flood control projects, na nagbunsod ng panawagan para sa masusing pagbusisi sa paggasta ng gobyerno.
“The people are watching,” babala ni Casino.
“Senator Lacson and the entire Senate must come clean. No excuses, no half-measures, no political games. Tell all.”
Wala pang opisyal na tugon si Senador Lacson sa hamon ng BAYAN. (ROSE NOVENARIO)